Alagaw
Flux 1.0
Fri, 06 Mar 1998 15:23:36 +0800

Kamusta ka na diyan? Pasensya ka na kung wala akong masyadong naisusulat tungkol sa sarili ko lately. Medya sunod-sunod kasi yung mga projects na mabibigat...tapos, everyday na ako kailangang umuwi sa Cavite kasi wala na yung room namin sa sixth floor na tulugan ng mga employees...cost-cutting kalokohan daw. Eh, usually, sa gabi ako nagme-mail. Ngayon kailangan ng umalis ng maaga-aga. Nakakaasar nga eh, kasi mas maraming gumagamit kapag daytime, kaya mas mahirap makasingit. Anyway, eto nakasingit ako ng kaunti.

Tuloy pa rin ang buhay sarariman. Medyo boring at times, lalo na kapag repetitive ang mga pinapagawa, pero paminsan-minsan, may mga masaya talagang gawin.

Si Lorelei, mukhang ok naman, in the sense na hindi naman siya naasar kung madalas ako tumawag sa kanila. Nga lang, kapag nag-stay pa siya sa Cebu nang more than a year, medyo malabo siguro na magkaroon kami ng relationship ( optimistic estimation ito....:)). Bahala na. Basta may ginawa akong mga hakbang. Ayaw ko na na lumalampas na lang ang mga pagkakataon.

Mas madalas na ako sa bahay, kaya medyo ok ang relasyon namin ng tatay ko, considering na matagal siyang nawala. Pero, kung iisipin ko naman, hindi naman talaga ako nagkaroon ng problema sa tatay ko. Nanay ko talaga ang may major rift ako. Malaki talaga. Malaki ang religious conflict sa pamilya namin...kaya nga na-attract ako sa atheism ng CN...although at this point, medyo hindi na akma sa direksyon na pinupunta ng buhay ko ang non-belief. I have got to admit, at that point in my life when atheism seeped in, i was the least inhibited. It was a freedom that can only be had with sheer unconventionality, to the point of iconoclasm. But come to think of it, it is also one-sided to think that inhibitions are always meant to limit. Tulad ng sa etiquette...nakakainis minsan ang mga dictates ng society, pero ito ang link na nag-aallow ng facile interaction between people. A basta, i guess you know very well what i am driving at. Sa totoo lang, medyo iniisip ko na ngang mag-church ulit...i haven't been into one, consistenly at least, for the last seven or eight years. Quite a long time. Ewan ko, pag-iisipan ko itong mabuti. Ikaw, anong gagawin mo kung ikaw ang nasa kalagayan ko?

Anyway, hanggang dito na muna. Iniisip kong yayain sina Hector at Vectore kumain sa labas, para bang graduation bash...bahala na. Sige.

Dis