Agham
Slugslinger
Sun, 18 Jan 1998 23:54:58 +0900
"The only way to survive a duel with me is to not show up."

REPLY to Saint:

Madaming nangyari. Actually, konti lang ang nangyari, pero parang madami.
CN, dahil wala akong pera pambili ng mga kung anu-ano. Mey pera, pero hindi
Maraming nangyari pero kaunti pero parang madami. Walang pera pambili ng kung anu-ano pero may pera pero hindi marami. Ang labo mong magsalita a. Ito ba ang statements ng isang coherent na tao? Hindi mo naman kailangan magbigay ng regalo e. Mas ma-aappreciate pa namin kung mapadalas ang pagpunta mo at pag-communicate sa amin. Bakit nga pala ngayon ka lang nag-update ng mga pangyayari sa buhay mo?
*Love

These were the portents of a brilliant year, a rainbow year where'd I'd get
to see the many astounding colors of life. Am I being too happy? Maybe not

Wow. Hindi ko ineexpect ito. May mga hints sa CNNs mo mula nang bumalik ka last November pero hindi ko naisip na ganito pala kalalim. Ngayong natagpuan mo na ang nilalang na ibig mong makasama habang buhay, ano ngayon ang plano ninyo? Baka mamaya bigla ka na lang magbalita na nagpakasal na kayo. Mauunahan mo pa yata ako e. Bago ko makalimutan, congratulations sa inyo. Kailan mo eksaktong na-realize na si Nina na ang gusto mong makasama habang buhay? Paano na ngayon si Natalie Portman na naghihintay pa rin sa iyo? Sa bagay racist naman yata iyon e. Itatanong ko nga pala sa iyo kung bakit doon sa isang CNN mo ay sinulat mo na gusto mong maging si Natalie Portman. Bakit nga ba? Naku, baka for the next few months ay mas lalo ka nang mahirap hagilapin para sa mga activities na ginagawa natin tulad ng AD&D at Gundam. Sana naman hindi. Baka ngayon ay naniniwala ka na sa konsepto ng "soul mates". Sa tingin mo ba ay soul mates kayo? Anyway, good luck sa inyong hinaharap. Mahirap ang daan pero hindi naman yata problema masyado para sa inyo ito e.

EXTRAS:

* Hirit

Hoy Dis, bakit ka pala nangongolekta ng Constructicons? Ano naman ang gagawin mo sa mga iyan? E hindi naman pala kayang buuin si Devastator e. Pati ba yung Aerialbots na walang Superion parts ay binili mo rin?

* SNOW

Nagkaroon ng major snowfalls sa Tokyo noong January 8, 12, at 15. Noong unang araw ay may measurements akong ginagawa at inabot ako ng 10:30 pm sa lab. Pagdating ko sa train station ay shut down ang Odakyu line. Basang-basa na at nanglalamig ang paa ko tapos wala pa akong payong tapos ang hirap pang maglakad tapos makikita ko na wala nang train dahil snowed in yung tracks. Buti na lang umaandar yung Keio line so nilakad ko hanggang sa nearest station ng Keio at sumakay hanggang Sengawa station. Keio lang yata yung train na umaandar noon. Masmalayo ang lakad mula Sengawa compared sa Seijogakuenmae. Hindi masaya ang snow. Relatively mild yung second day. Yung third day ay malala rin although mas prepared na ang train companies ngayon so nag-ooperate pa rin sila at reduced capacity. Yung Odakyu ay walang express services at once every 15 minutes lang ang train. Buti na lang ay holiday at nakauwi ako ng 12:30 pm. Makapal ang snow so naglaro kami ng SORI (maliit na sled) doon sa Soshigaya Park dahil may slope. Masaya rin pero sobrang lamig at basa-basa. Basta ayoko ng snow. Hanggang ngayon ay puro yelo pa rin yung kalsada. Ayaw matunaw completely. May snow na naman daw ulit this Thursday.

Comments:

Mahina sa disaster preparedness ang Tokyo. Na-paralyze ang buong transport system nila ng snow. Pag tumigil ang transport system ay hindi alam ng mga Hapon kung ano ang gagawin nila. Lifeblood ng Tokyo yung train system nila. Kawawa yung mga homeless. Ibig sabihin nito ay talagang disastrous pala angepekto ng earthquake project ko. Kung pati koryente ay mawala sa Tokyo ay masisiraan ng ulo ang mga bwisit na Hapon na ito. Saint, sorry na lang kung madamay ang relatives mo pero tuloy na tuloy na ang project na ito. Nakita ko na ang weakness ng Tokyo government.

Sabog na naman ang kuwarto ko. Wala nang sahig na matapakan.

Hec, Vec: Paki-page nga pala si Junelle kapag may dumating na sulat para sa kanya. Baka this coming week dumating. Bad news ang laman ng sulat na ito. Sinasabi dito na walang hospital na tumanggap sa kanya para sa senior internship.

Medyo nabawasan ang panggagago ni Ueno pero GAGO pa rin siya.

SNN na ba o huwag niyong buhayin ang bangkay?
Patay na pala si Charito Solis?



The Girl Who Loved Powerglide
 
A spoiled, rich teenage girl gets attacked at a carnival in honor of her birthday by the Decepticons.  Powerglide saves her, and she falls for him.  She tries to tag along with him. The Decepticons want her because they believe she has the secret of her father's last invention.  The Decepticons capture her and try to suck the info out of her brain, but she is too much.  Powerglide has severely been beaten up.  She looks at the locket that her dad said never to
take off, which she also knows contains the invention's secret, and throws it into some machinery, saving Powerglide.  Powerglide opens his chestplate, and there is an outline of a glowing heart

Ang corny ng episode na ito. Love-love kalokohan.