dapat sana second band kame para mapanood kame nung fans nung mga sikat na banda eh na-leyt si riko galeng sa kasal ng utol niya tuloy naging fifth band kame pagsampa namen uwian na kaya sabe ko goodbye thank you goodnight dame pa namang chiks naging parang naghahanap ako ng gerlpren yung puwede ko sabihan ng famous lihim pero di rentinapon ko na lang yung binaon kong joke wow nag isep pa talaga ako ng masasabe sa harap ng mga tao ba't ganon kelangan ko pa isipen di ba dapat rakstar ako natural lang saken yung laging may hiret pero araw araw iniisip ko pa muna lahat ng mga sasabihen ko bago ako makalabas ng bahay kelan nagsimula ito hindi naman ako ganito nonparang bang nagba bilocate ako or nag e exist yung mind ko sa dalwang mundo ewan tuwing may nakakausap akong tao lage akong may nade derive na second meaning sa sinasabe niya parang lageng may dalwang nangyayare magkasabay tuwing may nakakausap akong makina sabe niya warat na raw yung kamay ni bernie dapat mag retire na sa gitaritagusto ko mag abang sa isang lugar kase minsan dumadaan siya don baka suwertehin ako makita ko yung mukha niya kahit sandali lang sana imbisibol ako kakahiya naman kung mapansin pa niya ako sayang lang ang oras niya tapos mararamdaman ko yung matinding lungkot na hinahanap hanap ko yung nagsasabeng mas malakas ako sayo hindi mo to kaya
![]() |
![]() |
![]() |