•Sunday ay nagpunta ako ng National Bookstore Superbranch sa Cubao. Ewan ko kung nakuwento ko na sa inyo ito, pero yung buong 4th Floor ng NBS ay puro used books ang binebenta. Some old paperbacks cost only 15 Php each. Some hardbound fiction / non-fiction cost only 200 to 300 Php. Basta NAKAKAMURA!
•Ang purchases ko ay dalawang Star Trek novels, isang TNG at isang TO SCREW. Atsaka (matutuwa si Pagan) original draft ni James Cameron ng Strange Days. Dapat pumunta tayong lahat dito sa Double Homecoming. I'm sure marami kayong mabibili.
•May nakita akong coffee table book tungkol sa Formula 1 champions. From Jackie Stewart to Michael Schumacher yata, 13 champs in all. Hardbound, beautiful photos, in fair condition and only 250 Php. Kasali din si Andretti, Fittipaldi, Prost, Senna... pero walang Hill or Villenueve, hanggang 94 season lang. Ang liit ng mga lumang F1 cars.
•May nakita din akong post-novel,a dictionary or encyclopedia sized book na compilation ng e-mail messages ng mga magkakaibigan / magkakaaway. Hindi ko masyadong binasa, pero parang mas personal messages yung sa kanila, hindi tulad ng CNN na forum type or pseudo-mailing list.
•Ang bulky masyado nung libro. Lotal. This has led me to think that if ever we are going to publish CNN, dapat CD-ROM na siguro. Paperless society. Dapat yung CD-ROM may nakabundle na mail reader, para simple installation lang para magbasa basa ka muna jan.
•Kahapon ay nagpunta ako ng Makati para byarlant ang VAsia. Nagtaas sila ng presyo. Bakit? Humihingi na naman sila ng dagdag?! Yung dating 550 Php, 800 Php na. Kaya nag upgrade na lang din ako account, to 1100 Php a month. Now I have 21 hours a month (up from 15) and three mailboxes instead of one.
•Cape Fear exile na ako siguro today. As usual, nandito ang cleaners at mamaya may CoNspIRaCy, so unless may important developments later today ay wala na akong reason pang lumabas.
•Hindi ko pa rin naaasikaso yung bisikleta ko. Matagal ko nang sinabi ito sa CNN, yung kelangan palitan yung inner tubes. Malamang sa Thursday ang earliest na maasikaso ito.
•I have a big week ahead. Tomorrow I have band practice, and there might be another one on Thursday. Then Friday it's off to see my orthodontist and a psychiatrist. Yes po, may appointment ako with a psychiatrist. Then at night I'll be playing again at Tia Maria's Katipunan. You are all invited.
•Mamaya ay gagawin ko na ang GEx. Eto bagong patakaran : All GEx mail must be reflected to Agham. Para hindi na ako forward march nang forward march. Isali niyo lang si Agham sa recipient list. O kaya style CC. Para saan ba yung BCC? Pang BBC?
Wala munang replies ito. Sa susunod na lang. Abangan ang GEx.
øLagoon Dean, College of Chaos
There is only one thing in the world worse than being
talked about, and that is not being talked about.
*******************************************************
e-mail : lagoon@college-of-chaos.net