Lagoon
CNN836 : Death (True)
Wed, 25 Feb 1998 17:05:31 +0800
Naghahanap ka ng alternate text ah...
 
Wala akong malagay sa CNN. Wala naman akong kuwento dahil Cape Fear exile ako. Wala namang bagong CNN kaya walang ma replyan. Nag padala na ako kay Cooky ng e-mail. Sana sumagot ulit siya. Hindi ko alam kung gusto niya talaga ako kausapin o hindi. Walang emotions ang text. We are not empaths.
 
Pinadala ko kay Vince yung The Dirty Matter. Natawa naman siya. Shh, siyempre, biographer ko siya at kahit papaano ay alam niya yung mga pangyayari. Hindi na magkakabalikan.
 
Tinatamad akong gawin yung GEx. Puwede, bukas na lang? Ginawa kong 1997 season yung GP2 ko. Kaya restart lahat. Sayang yung 2 wins. Pero okay lang, si Schummy naka Ferrari na, merong Villenueve, Prost na ang Ligier, ang ganda ng Jordan... Gumawa ako ng College of Chaos Racing Team, tapos ako lang ang driver. Hindi pa ako satisfied sa livery, pero okay na rin.
 
May band practice pala ngayon dito sa Cape Fear. Hindi pa ako nag a aral ng mga kanta. Yun na lang muna ang gagawin ko.
 
Naghahanap ka ng alternate text ah...