Agham
Get On, God On, Head On
Sun, 22 Feb 1998 15:51:23 +0900
& UPDATE

Friday ay chineck namin ang status ng MBE at mukhang walang problema kaya resume ang baking mula ngayon hanggang Sunday night. Tapos ay nag-deposit ako ng AuGa electrodes sa apat na samples na ni-reanneal ko the day before. Magi-install sana si Ueno ng bagong temperature controller para sa Ge K-cell pero may warat at ayaw magpa-configure kaya ibabalik sa manufacturer. Pinutol-putol ko into individual chips yung samples ko. Dumating na rin yung dilute diborane (B2H6) gas na kailangan ko para sa delta-doping experiments. After that ay i-anneal ko ang just deposited electrodes pero 1 out of 4 samples lang ang successful. Since umuwi na si Ueno ay nag-decide ako na bukas na ituloy para makapaglakwatsa ako. Pumunta ako sa Hyper Hobby Yellow Submarine sa Shinjuku at bumili ako ng 1/100 Full Action Double Zeta Gundam. Habang nandoon ako ay may nakita akong newly-released CDs mula sa Columbia Records. Robot Anime Memorial series ng CDs. 5 volumes sila lahat. Parang masarap bilihin lahat. Binili ko yung Vol. 4 kung saan nandoon ang theme songs ng Dailager XV, Albegas, Laserion, at Transformers (mula Headmasters hanggang Zone). Nasa Vol. 3 si Voltes 5 at Daimos at pati si Golion. 2000 yen each. Pagdating ko sa Seijo station ay kumain ako ng dinner sa Burger King tapos bumili ako ng isang package ng Feria. Dahil umuulan ay nag-bus na lang ako pauwi. Later ay nagtrabaho ako nang kaunti para sa seminar ko sa Tuesday. Saturday ay nag book reading kami sandali ni Ueno sa umaga. Sa hapon ay tinapos ko ang pag-outline at summarize ng report ko for Tuesday. Inulit ko rin nang dalawang beses yung contact annealing pero 2 out of the remaining 3 samples lang ang naging ohmic behavior. Sinolder ko na yung tatlong samples maski kulang ng isa. Nagru-run si Ueno ng simulations ng ion implantation at later ay nag-xray measurement siya at maganda yung quality ng x-ray peaks. Late na ako nakauwi kagabi kaya hindi ko naumpisahan ang paggawa ng transparencies. One day late na ako sa schedule ko. Ngayon, CNN muna ang inasikaso bago yung transparencies.

& SKYWATCH

(GMT +9)

2305:42Mercury-Jupiter approach / 1º00'
2401:31Moon passes 1º39' south of Venus
2404:43Conjunction of Jupiter
2603:05Moon passes 1º26' north of Jupiter
2702:26New Moon (Total Solar Eclipse in South America/Caribbean Sea region)
2710:22Moon passes 1º27' north of Mercury
2807:21Moon passes 0º45' south of Mars (occultation in the South Pacific)
2811hComet Tempel-Tuttle at perihelion <-- pagdaan ng Earth sa path na dinaanan ng comet ay magkakaroon ng meteor storm. Abangan sa November 18: 150000 meteors per hour!!!
0118:09Moon passes 1º00' south of Saturn (occultation in South America)

& LASERION

Pampahaba lang ito ng CNN. Lyrics ng first stanza ng Laserion in kanji and romaji.

君に夢はあるか 夢はあるか  (kimi ni yume wa aru ka / yume wa aru ka)
今を生きているか  (ima o ikiteiru ka)
済んだ瞳だけに 映るブルースカイ  (sunda hitomi dake ni / utsuru blue sky)
そうさ若さなんて 若さなんて  (sou sa wakasa nante / wakasa nante)
いつも燃える心  (itsumo moeru kokoro)
人は胸に勇気  (hito wa mune ni yuuki)
インプット出来るはずさ  (Input<to> dekiru hazu sa)
レザリオン 追いかけろ雲を  (Laserion oikakero kumo o)
レザリオン つかみとれ虹を  (Laserion tsukamitore niji o)
レーザー ブルーホワイト  (Laser / Blue-White)
戦う君の姿に 輝きを見た  (tatakau kimi no sugata ni / kagayaki o mita)
ビデオ戦士 レザリオン  (Video senshi Laserion)

& GAMES

B> As I said, last night I braved the neon of Nipponbashi to buy a 33.6 modem and a playstation with my extra cash.

Aba, marami ka yatang pera ngayon. Alam mo na kung paano ma-access yung GP01 at GP02 sa Zeta Gundam game? Bumili na lang tayo ng link cable para malaro yung two player mode pag-uwi natin sa April. Huwag kalimutan na 100 V ang Playstation mo kapag dinala sa Pilipinas.

Tapos may 56 K modem ka na rin. Asenso. Wala bang 56 K lines ang Aoi-Net para ma-maximize ang download speeds. Less than 5 minutes per megabyte under typical conditions.

& USELESS

B> Hinang daw niya ang sarili niya sa hotel room. NA-discover yata yung mga illegal na gawain niya kaya may warrant na para sa arrest niya or something. Eh, anong kinalaman ng tren doon?

Kahapon sa mga Japanese news paper ay yung headline ay may nahanap daw na katana sa hotel room ni Arai. May napanood din akong isang talk show kung saan ina-analyze nila yung events na nag-lead sa suicide. Walang kinalaman yung pagtigil ng Yamanote trains doon -- parang yung mga earthquake or typhoon alert lang na nagfa-flash sa screen.

B> Wala namang exceptional sa Filipino love songs sa aking palagay eh. They sound like your normal love song.

Ang isang kapansin-pansin sa karamihan ng Filipino love songs ay puro unfulfilled love or tragic love or broken hearts. Basta hindi gagaang ang puso mo sa pakikinig ng Filipino love songs. Ang Japanese love songs ay puro may comparisons with things in nature.

B> Baka yung Beast Wars catch lines ng characters ay mga Japanese onomatopeia nung mga animals na iyon?

Ganoon nga iyon. Hindi ko pa pala nasasabi ito sa inyo dati. Gusto ko sanang ilista lahat pero baka mali ang spelling. May tamang spelling ang sound effects sa katakana / hiragana e. Kapag sinabi mo sa isang grupo ng Hapon na isulat nila ang sound ng kahit anong bagay (example: sound ng building na nag-collapse) ay halos pare-pareho ang lalabas. Ang ampan ay parang siopao pero ang palaman ay kamukha ng sa hopia pero sesame seed based at hindi red mongo based. Si Ampan Man ay may ulo na ampan at naka red tights na may malaking letter A at may yellow cape.

H> Nabasa niyo ba yung tsuzuku sa previous CNN ko?

Opo. Nabasa ko po.

& USEFUL

B> Kung hindi immediately necessary, puwedeng ako ang gumawa nito pagpunta ko diyan. Kaso, kakailanganin ko ang proper sofwtware, at baka wala kang hard disk space. Ayoko ng hand layout, ang lotal tingnan.

Kaso kung puwede daw ay bukas nang gabi e. Pero may seminar pa akong aasikasuhin so hindi ko talaga magagawa. Pero kailangan ko talaga ng tulong dito dahil lotal ako sa pag-design-design. Kung March 6 or 7 ka pa darating ay 2 weeks late pero OK lang dahil wala namang ibang taong gagawa nito e. May software ako kung kailangan. Ay nasa iyo pala yung Installers -- huwag mong kalimutang dalahin. Dapat pala i-retrieve ko na rin yung isang Installer na hiniram sa akin 2 weeks ago. Kung may PD cartridge na ay magkakaroon ako ng sufficieent hard disk space. Anyway, pakitulungan na lang ako dito pagdating mo.

H> Ano yung itsura ng symbol ng Uranus doon sa Planets d10?

Parang capital H na slightly curved outward yung vertical strokes tapos may isang straight vertical stroke sa gitna. Sa baba nito ay may maliit na circle. Sa astronomy yata ay circle na may dot tapos may arrow pointing up na nakadikit sa ibabaw ng circle. Aside from Uranus ay pareho ang astrological at astronomical symbols ng planets.

H> Akala ko nung una, yung package ni Agham na iyon

Ang expected date of arrival ay February 24. Isang video tape lang ang laman. Sa Monday ay isesend ko ang 1/100 ZZ Gundam kasama ng Feria. Ay! Nakalimutan ko pala bumili ng Navy Blue para sa Hardy Gun. Sa susunod na tape na lang po.

H> Pwede ba magpadala ng Koala Cookies sa mail? Hindi pa rin tapos yung Wing Gundam Zero Custom at EVA-04. Bumibili pa ba kayo ng Calbee Evangelion Potato Chips?

Wala namang problema sa pagpadala ng Koala Cookies via mail. Gusto niyo ba? Strawberry, Chocolate o Dark Chocolate? May Panda cookies din. Hindi ako bumibili n Calbee Evangelion potato chips dahil unflavored e. Yung Calbee na Pizza potato chips ang binibili ko pero walang Eva cards.

H> Sana makasali lahat. Sana may masaktan.

Ikinalulungkot ko na hindi ko yata kayang mag-send ng mail regularly sa GEx kaya hindi na lang muna ako sasali. Nagsisikap ako lately para hindi naman ako tingan bilang isang lotal na tao ng mga kasama ko sa lab.

H> O, diba lumang konsepto na `yang ghost ng original Starscream? Baket inULET na naman?

Wala namang unusual sa boses ni Starscream sa Japanese. Hindi ko alam kung yung original voice actor din ng Japanese version ang ginamit nila. Hindi tunog-LATTA yung boses. May CG ng scene na pinasabog ni Unicron si Starscream dahil iyon ang sabi niyang nangyari sa kanya. Sinungaling! Malapit na ang Beast Wars 2. Branch off na naman ang Hasbro at Takara. Bili tayo ng Beast Wars toys.

B> Pagkatapos noon, pupunta akong Tokyo siguro. This would be Mar 6 evening (magna-night rider na lang ako siguro dahil baka may test pa ako sa morning or afternoon) . Pero, kelangan bumalik ako ng ither wednesday or thursday, dahil may Study Tour ako kelangang attendan sa Thursday-Friday or Friday-Saturday (hindi ko pa sigurado which). Okay lang ba ang schedule na ito, Agham?

OK lang siguro ang schedule na ito. Baka nga lang ay Monday or Tuesday ay kailangan kong pumasok sa lab. Makaka-spare siguro ako ng half-day. Sa weekend ay madali lang makatakas. Kung Friday night ka aalis e di Moonlight Nagara ang sasakyan mo? Alam mo pa ba yung schedule? Ito o:
 

I. 3664M 新快速 長浜 行き
(new rapid train bound for Nagahama)

leaves Osaka station at 2100 from platform #9
arrives at Maibara station (米原) at 2223
transfer

II. 456M 普通 大垣 行き
(local train bound for Ogaki)

leave Maibara at 2225
arrives at Ogaki at 2303
transfer

III. 372M 快速 ムーンライトながら 東京 行き
(Moonlight Nagara rapid train bound for Tokyo)

leaves Ogaki at 2308
arrives at Tokyo at 0442
 

After this ay Yamanote hanggang Ueno tapos Joban hanggang Kita-Senju. Doon na lang siguro tayo sa Kita-Senju magkita. Pag-usapan na lang natin next week yung details.

B> Titles include: Voltes V, Daimos, Cyborg 009, and Gugu Ganmo (untested). Sorry, wala pa rin akong mahanap na Transformers.

Yung Voltes V ay pangit ng mixing kapag pinlay under Timidity. Matino-tino naman ang tunog niya under Sound Canvas. Yung Daimos ay sintunado kahit saan mo patugtugin. Yung Cyborg 009 ay ibang-iba sa theme na alam natin. Wala akong kopya ng Gugu Gammo. Hindi na kailangan ng Transformers dahil may CD na e. Tapos yung sa Transformers The Movie songs naman ay kumpleto ako ng MP3. May mga MIDI rin ako ng original end theme at ng ilang background music ng American original series.


Kremzeek!

Somehow, an energy being is created who is small compared to the Autobots, and runs around yelling Kremzeek! Kremzeek! He goes into the electrical lines and ends up in Japan. At some point, a Japanese scientist helps the Autobots. An army of little Kremzeeks becomes a very big Kremzeek but the Autobots transmit it into the Decepticon base using the 'cons energy magnet.