Agham
Too Much Information
Sun, 15 Feb 1998 20:37:27 +0900
"Total victory requires total destruction."

& Update

Nag-iisnow kanina dito pag gising ko. Nag-drop kasi by 8º ang highest temperature kanina. Kahapon ay chineck namin ni Ueno at Morita kung kumpleto ang gaskets, port covers, at bolts na kailangan para sa trabaho sa Monday. Darating kasi bukas ang liquid nitrogen shroud ng solid source MBE at ire-reinstall namin tapos ikakabit lahat ng accessories at pump down. Kinabit din namin ang isang sorption pump for rough pumping at pinalitan ang isang metal valve na nagle-leak. After that ay nag book reading session kami ni Ueno tapos uwian na. Maaga akong nakauwi kahapon. Kanina ay pahinga at pakikinig ng MIDI files. Nakapag-download ako ng X6 version ng Timidity at sinulatan ko yung programmer para humingi ng 486-compiled version. Halos wala na akong pera at ubos na rin ang supplies ko. Kailangan nang mangutang. Mamaya ay susubukan kong tapusin ang third report ko sa Solid State Physics class ko tungkol sa π band structure ng graphite.

& Spinning Shields

L> Note : Hindi ko alam kung nagpadala na ako ng Lithograph, yung font na ginamit ko sa headers ng CNN na ito.

Napadala mo na siguro dahil meron na ako ng font na ito e.

L> Maganda na ang takbo ng rehearsals namin, and I must say, I am working with some very talented people. Birth problems lang pala yung mga kuwento ko noon.

Glad to hear that you and the band have started getting along very well. Good luck on the road ahead.

L> Nakita ko si Corin Nemec, si Parker Lewis! Nandito siya sa Pinas.

OK ah! Ano kaya ang ginagawa niya sa Pilipinas? Ang galing ng Parker Lewis -- nakakaaliw panoorin.

L> Ayaw ko na muna asikasuhin ang problemang ito. Escapist. Nakakatamad mag ayos ng mga ganitong bagay. Bahala na ang social entropy sa kasong ito (©Hector).

Interesting concept itong social entropy na ito. Galing ba ito kay Rifkin? Pareho ba ang ibig sabihin ng "bahala na ang Diyos" at "bahala na ang social entropy"? Bahala = Bathala = Diyos.

L> Typical Student of Chaos yang si Bernie, kahit hindi talaga siya Student. Natuwa sa benepisyo ng CN kaya tumatambay. Pero kapag hiningan mo ng mga bagay bagay ay malamang mawawala yan.

Palagay ko wala namang kahit sinong tao na makakatagal sa company natin e. Lahat naman yata ng kaklase nila Vec at ni Baryon na tumambay diyan ay dahil sa benepisyo ng CN e. Nasaan na lahat ng mga iyon? Si Jody? Si Shaider (Cider?)? si Voyeur? si Alfred? si Net? Pero marami rin pala tayong nakuhang benepisyo kay Sales.

L> Ako gusto ko yung Wing Commander : Kilrathi Saga.  WC, WC2, at WC3 for Win95.

Merong medyo murang ganyan dito na original. Mga 5000 yen yata last time na nakita ko. Hindi ako bumibili ng games dahil lotal ako sa computer games e.

L> At first it is great fun, probing around each other's dream landscapes. But soon they realize how different they really are and begin to fight.

Intriguing ang story idea na ito. Hedgehog's Dilemma.

L> Hihintayin ko ang YES ng lahat bago ako magbigay ng instructions kung ano ang gagawin natin.

Kung ang load at sistema ay kapareho ng sa dati ay OK sa akin.

L> Halalala. Baka maging mutant yung anak mo. Loko lang.

Gugulpihin ako ni Junelle kapag nagkaproblema ang aming anak dahil sa mga pinaggagawa ko dito sa laboratory.

L> My name is Iñigo Montoya. You killed my father. Prepare to die.

A, ganoon ba iyon? Sorry po. Hindi ko masyadong naaalala e.

L> And trust me, and lotal ng video at audio quality. Baka maasar ka lang.

O sige. DVD na lang tayo. Pero kaunti pa lang ang DVD movies / software na nasa market. Maraming video CD at DVD ng porno sa Akihabara. Laging nauuna ang porno sa bagong video technology. Sila rin yung nauna sa video tapes bago sumunod ang rest of the industry.

L> It's Lola Mercy's birthday today and there will be a dinner party at Blue Bacon and Green Eggs restaurant in Cubao.

ENVY.

& Ultraelectromagnetic Tops

H> Ano nga ba yung Japanese name ng Voltron? Ba't ginawang Voltron? Sino yung nagpalit ng pangalan? Pati ba yung animation nyan, binaboy?

Walang Voltron sa Japanese animation. Yung Lion Force ay GOLION ang pangalan sa Japanese. Yung Vehicle Force ay nakalimutan ko na. Pagan, pakitignan mo nga sa View Broadly Super Robots ito at pati na rin yung kanji pre-name identifiers. Yung animation na alam natin ay designed na for American audiences. Hindi ako sure kung nagpa-drawing ng bago o yung story lang ang pinalitan a la Robotech.

H> Natuto lang ako dahil kelangan ko magsuot dati tapos wala yung Cancellor, kaya nag-download ako ng graphical instructions sa Web.

Ang galing mo pare a! Natuto mula sa mga instructions and pictures mula sa Web. Ito ang isang magandang example ng silbi ng Internet.

H> February 14 ba ang wedding anniversary ni Cancellor at Nanay?

Opo sir. Bakit mo naman naitanong? Bibigyan mo ng Hallmark card ang Cancellor? Natatawa si Junelle sa pagturing natin sa ating amá.

B> Nag-phase shift kami into Filipino language for conversation. Magaling naman siya, medyo mabagal lang mag-articulate ng ibang thoughts. Ganoon siguro tunog ko pagnaghahapon. O di kaya mas lotal pa.

Pinakanahihirapan ang isang Hapon sa pagbigkas ng "ng" na tunog. Paano niya binibigkas ang katagang "ngipin". Isa pang difficulty nila ay ang pagbigkas ng mga vowel na magkakatabi. Paano niya sabihin ang salitang "Oo" o kaya "Naaalala".

B> Ang galing pala nung lyrics nung "hitori kaze ga fuku" (yung Ranba Ral music sa Tape 2).

Baká gusto mong  isalin para sa amin. Practice na rin ng translation skills at ma-ish-share mo pa ang ipinapihiwatig ng awitin.

B> Let us take this time to offer thanks to the person who thought of the idea for a Gundam tournament.

O, bakit may ganito dito? Natural course of action naman ang pagsagawa ng Gundam Tournament e. Anyway, salamat na rin.

B> Mas-mahal na nga, wala pang interesting things. Sayang yung cheeseburger.

Norway yung nanalo sa specific ski jumping event na tinayaan ko. Wala akong cheeseburger. Ano kaya yung interesting things?


The Revenge of Bruticus

        Starscream travels to Cybertron where he continues his plots against Megatron. Earth is driven into the sun via the space bridge, and the Protectobots evacuate humans from dangerous situations. Megatron and Prime team up to stop Bruticus, who is out of control on Cybertron. Starscream volunteers the information on Bruticus' weak points and he is seemingly defeated. In reality, Megatron has gained control of the Combaticons and Prime has been fooled.