Baryon
I Didn't Change Anything
Thu, 12 Feb 1998 22:36:06 +0900
* Nag-lockup ang windows, kaya't kinailangan kong mag-restart. Ulet lahat.
 
*Lockup ulet ang netscape. Outlook na nga lang
 

I didn't change anything! interj An aggreived cry often heard as bugs manifest during a regression test. The canonical reply to this assertion is "Then it works just the same as before, doesn't it?

 
Friday night. Wala akong magawa. Next week pa siguro dadating ang tambakan ng kelangang isulat or aralin, pero ngayon, hindi ko alam kung okay dahil pahingi o lotal dahil walang silbi ang oras. Kung wala pa ring magawa or mapanood sa TV pagkatapos ko isulat ito, malamang matutulog na lang ako.
 

 
COMPUTER
 
V> Pero bago mo gawin iyon ay tapusin mo muna ulit ang excercise na ipapagawa niya on that day.
 
Hindi naman usually nagiging problema ito dahil madali lang ang pinapagawa sa amin. Yung tipong ejercito ba na magagawa mong magisa kung kaya mong basahin ang commands or help file. Kaso hindi eh. Actually, wala sa class naming nakakaintindi nung teacher, kahit yung mga magaling mag-Japanese. Kaya't ang ginagawa ko, binabasa ko yung handouts na binibigay niya at nagtatrabaho na habang nagsasalita pa lang siya. Yung handouts okay lang naman, kasi may screenshot examples kaya't madaling kapain. MAs-mahirap pa yatang paliparin yung eroplano sa Flight Simulator eh.
 
V> Saan yung sa akin? Binibisita mo pa ba ito? May mga bagong entry yata sa guestbook.
 
Nakita ko na. Okay ah. Pero walang silbi ngayon itong web page na ito dahil hindi ko naaaupdate or nalilink sa ibang sites. eh wala naman ako talagang fans jan eh. Gusto ko actually i-totally revamp ito kaso wala akong panahon. Ha? Akala ko sabi mo wala kang magawa? Eh, tinatamad akong gawin kasi masyadong matrabaho. Sakka na lang.
 

 
BEDS
 
V> Natulog si Bernie sa CN, sa kama ni Pagan. Sorry Pagan kung lotal ito, presumido.
 
Okay lang iyan basta maayos ang kuwarto kapag uwi ko. Hm.Marami palang kelangan reworking gawin jan pga-uwi ko sa October. Dahil may TV/VCR/Computer na pupunta sa table, kelangan ko ilipat ang mga books. So tatanggalin ko ang mga non-self-pertinent books doon sa shelves tapos gagamit ko sila. Bajala na.
 
L> Anon'g kalokohan ito? Akala mo cute yung ginawa mong kalokohang font?
 
Puta ba't nagkaganyan iyan. Maayos kong sinulat ito sa Netscape Mailer kaso ngayong inimport ko ang messages ko sa Outlook, sabog nga. Ang ginamit kong font jan ay Marlett (European). Hm. Baka dahil sa Japanese encoding kalokohan ito. O di kaya Netscape/IE incompatibilities. Normal font naman ang Marlett diba?
 
Dahil kaya sa Tables na sinaksak ko? A basta, hindi ko alam kung bakit nagkawarat iyan. Maayos kong tinype ito. Ang sagot ko yung phrase sa itaas.
 

 
BOOKS
 
A> Bumili si Pagan ng libro na Doom?
 
Lotal. Dapat hindi ko na binil ito. Buti nga natiis kong basahin hanggang dulo. Yung mga Wing Commander books okey naman kahit papano. Not exceptional novels, pero readable at enjoyable. Hm. Gusto ko maglaro ng WC4 dito. Wala kasing magawa tapos nakakatamad ng mag Mechwarrior II. Pare-pareho na ang nangyayari. Mapapabili talaga ako ng Playstation nito eh.
 
A> Ang galing nito ah. Dapat pala ito ang response ko sa mga sinasabi ni Ueno.
 
Napili kong nakawin sa Hackers Dictionary ito dahil sa phrase dating nagamit na hindi okay ang buhay. Iba ang usage ng mga hacker siguro, pero since may tangential relation sa chaoscant or CN, sinasaksak ko na. yung sa ngayon ay deriviation ng nakita ko iyan ganyan na iyan eh!
 

 
GT V FORUM
 
A> Nakakatakot yung apat na Zak. Kakawawain lang nila yung Hyaku Shiki via grand melee.
 
Ang pinaka-exploitable weakness na ng Zak ay ang low speed nito. Lalu na doon sa mga non-exclusive use types. Eh? Iisa lang iyon eh. Pero ang MG Zaks, kahit papaano, malakas ang firepower dahilsa sobrang accessories at capbility ng MG models mag-carry ng extra weapons.
 
H> Pwede ring LuGe na lang yung 1-year war composed MS teams. Masaya naman eh. Panis kung panis.
 
Hoowag naaaa. Kahit okay lang maglaro ng panis-kung-panis, mas masaya pa rin kung theoreticaly pantay ang MS level. Pero sa tingin ko ang pinaka magiging factor sa GT V ay kung sino ang mabilis maka-adapt sa Cape Fear terrain. Lotal ako sa ganyan eh.
 
H> Hope it works. (Wrong diskette type)
 
O sige. Aasikasuhin ko na lang ito sa weekend siguro. Medyo problema yung Gelgoog A siguro kaya't kelangan ko pang pag-isipan ng kaunti. Yung Silhouette at F91 series Ms straight conversion lang ang kailangan. Pero yung baril ng Hardy Gun huhulaan ko lang. state your complaints, dahil hindi ko nakikita ang model mismo to judge accurately.
 
L> Gusto ko na talaga gamitin ito dahil bihira ako gumamit ng Gundam na MS.
 
Walang problema sa akin ang pagpagamit ng RX-78-2, dahil more-or-less decided na ako sa team ko. Besides, kung ganong strength of MS ang kailangan ko, RX-78Gp01 ang ilalabas ko siguro. Wala akong awtoridad sa Nu Gundam.
 
L> Basta bawal ma lokwa ang GT V tulad ng GT IV
 
Nag-commit siya diba? Commiting to playing in GT V doesn't just mean maglalaro ka, diba? Kaya nga nagpahingi ng pag-commit to begin with dahil baka malokwa lang kung nagpaobliga sila ulet. So in this case, kung wala naman siyang active participation sa preparation ay dapat i-void na ang pagsali niya. I mean, sabihin niya kung kailan siya mag-lalaro dahil palaging tayo ang naghahabol sa kaniya in the past. Kung wala siyang gagawin at maghihintay lang ng tawag na maglaro siya, eh hindi commitment iyon.
 

I didn't change anything! interj An aggreived cry often heard as bugs manifest during a regression test. The canonical reply to this assertion is "Then it works just the same as before, doesn't it?

 
--
PAGAN
---------------------------------------------------
"Pathological-techno-fetishist-with-social-deficit"
E-mail : pagan@college-of-chaos.net
Web Page: www.college-of-chaos.net/~pagan