Agham
Mechanical Failure
Wed, 11 Feb 1998 12:35:07 +0900
"I was built to be wild."

& Life and Liberty

Last Monday ay hapon na ako pumasok dahil yung class ko sa Quantum Microdevices sa umaga ay inurong sa hapon. Last day of classes. Kinumusta ni Ueno ang measurements ko last Saturday at sinabi ko na warat dahil masyadong unstable ang baseline voltage. Later ay tinulungan ko siyang magpalit ng oil sa dalawang rotary pump ng ion implanter. Habang ginagawa namin iyon ay pinapayuhan niya ako kung ano dapat ang behavior at attitude ko sa research. Later ay sinubukan ko ulit ang Hall measurements at higher temperature pero weird yung lumalabas na results sa isang sample at may putol na wire yung second sample kaya walang silbi na naman. Tuesday morning ay inayos naman namin yung leaking high pressure inlet para sa pagsara ng valve ng cryopump ng io implanter. Early afternoon ay nagsulat ako ng abstract para sa seminar ko sa February 24. Late afternoon ay nanood ako kay Ueno mag-attempt mag-measure ng isang sample niya using secondary ion mass spectroscopy. Magpapaturo rin ako nito later. Nakinig din kami ng practice thesis defense ng ilang mga master student na ga-graduate this year. Early evening ay pinapayuhan na naman ako ni Ueno. Inisip ko na sige na nga, magpapakatino na ako. Hindi na ako magtatamad-tamad. Later ay nag-anneal ako ng remaining samples ko at OK naman ang resulta at umuwi na ako. Mamayang hapon ay mag-e-x-ray measurements ako kahit holiday.

& Apostrophe

V> Baka hindi makita ni Pagan nang matino yung cover ng libro niya dahil wala siya nung Humans521 BT na font

Bumili si Pagan ng libro na Doom? Ano naman ang kuwento dito? Siyempre maraming blood, death, and gore.

V> Binigyan ko si Pagan ng kopya ng vtcpupd.exe kagabi sa CoNspIRaCy. I-install mo na iyon Pagan kay Disorder at sa Osaka Gaidai LAN.

Hindi ako sigurado kung gagana ang VTCPUPD.EXE ng English na Win95 sa Japanese version. System level ang changes nito kaya kung hindi mag-work ay magloloko ang computer ni Pagan. Definitely hindi ito magwo-work sa Win NT system.

V> Mas maagang dumadating sa pirate video CDs ang mga sine kaysa sa VHS rental.

Kay Nanay tayo magpabili ng pirate video CDs. Marami daw sa Malaysia. May nagsabi sa Gundam mailing list na may nagbebenta sa Hong Kong ng box set ng Zeta Gundam na may 17 video CDs containing the entire series. Ang presyo ay mga 65 US dollars.

V> Hindi na-record yung Macross The Movie. Maling channel pala kaya two hours and thirty minutes of wrestling yung na-record. Pinatungan mo ba iyon Agham?

Hindi ko pa yata pinapatungan. Iuuwi ko na lang sa April. Gusto niyo talagang panoorin. Sobrang lotal e. Sana payagan akong umuwi. Kapag hindi ay hindi na ako makakabalik sa Japan.

V> Wala tayong pera para sa ticket. Kung magkaroon man at kung saka-sakaling makabalik nga tayo ay lotal pa rin dahil huhulhulan lang natin si Agham.

Wala namang problema ang pag-asikaso basta itapat niyo lang sa bakasyon dito ang pagpunta niyo. Usually August or late December nga. Ang problema talaga ay pera pamasahe. Masmainam pumunta ng Japan as a graduate student. Puwede rin kayong mag-apply ng undergraduate pero kailangan matapos muna kayo ng 2 years ng college.

V> Parang may naaalala akong sinabi si Nanay na uuwi din daw siya dito sa Pinas this April. The Confluence Part 2.

Doon sa pinaka-recent na sulat niya sa akin ay na-move daw to late March / early April yung meeting niya kaya hindi kami magsasabay.

& Catastrophe

H> Itapat mo yung mouse pointer mo sa isa sa mga button sa toolbar ng mIRC mo.

Easter Eggs. Mahilig magtago ng mga kalokohan ang programmers sa mga software na ginagawa nila. Ang labo ng ZZZZ -> SEX conversion ng Word 7.0.

Easter is the first Sunday after the full moon which occurs on or immediately after the Spring Equinox. <-- remnants ng paganistic origins ng Christian holidays.

H> Kailan ang deadline ng pagpili ng suits?

Nakakatakot yung apat na Zak. Kakawawain lang nila yung Hyaku Shiki via grand melee. Wala pa namang shield iyon. Kung F91 ang gagamitin ni Saint ay ano ang kasama nito? Sobrang lakas kung Vigina Ghina.

H> Bakit mas matibay yung legs ng F71B G-Cannon Magna sa legs ng F71 G-Cannon eh parehong-pareho lang naman yung legs nila? Pati yung Zoloat at Zollidia.

Naisip na ito dati at nasubukan na rin gamitin. Pampahirap sa buhay nga lang ang lalabas. Ganito rin ang problema sa RXF-91 at RXF-91A at sa NT1. Slightly related ang problema sa hull ng Zusa at ZZ Gundam na may sari-sarling weight ang bawat part. Reasonable namang sabihin na masmatigas kahit pareho ang itsura dahil masbago yung suit e.

H> Ano ba yung title ng One Year War episode na may Triple Dom?

Triple Dom Attack yata ang title ng episode.

Kilala niyo ba ito?闘将ダイモス

& Sublimation

L> Dumating na ang results ng medical check-up ko.

Hmmm...medyo wala na yata sa kondisyon ang katawan mo ah. Hindi na nakayanan ng self-repair systems. E di bawal ka nang kumain ng TOCILOG at lahat ng mga LOG- LOG na iyan. Thick Blood. Baka isang araw, sa sobrang lapot ay tumigil mag flow.

L> Tapos mag da dala pa ako ng stool sample. Mukhang wala namang life threatening na nangyayari sa akin. I just need to slow down.

Stool Sample. Paano kung tunay na stool (yung inuupuan) ang dinala mo. "E sabi mo stool sample e!". May dalang BUONG TAE sa jeep. "Uy, pare tignan mo yung tae ko!"

& Mountain Goats

V> Hikwa itong order through the Web delivery service ng Pizza Hut. May Java/Javascript yung page.

OK iyan ah. Paano nila minomonitor iyon? May isang taong naghihintay sa harap ng computer buong araw? Nasaan ba yung web server? E di kailangan i-forward pa nila mula sa web server papunta doon sa pinakamalapit na branch sa address ng customer. Next time ay online na lahat ng shopping. Download ng pizza.

V> Yung Silhouette na nga lang. Iyon na ang pangalan ng team ko.

Ano yung papalitang suit? E masmalakas ang Silhouette e. Baka malugi na ang iba. Matagal pa naman kaya maaayos pa.

V> Mapipilitan silang papasukin ka na lang dahil hindi ka pa nagpupunta sa mga ibang similar na okasyon so last chance na ito ng mga chicks na makasayaw ka.

Aba! In demand na pala kayo sa mga chicks ngayon. Kahit mali ang suot papapasukin dahil lang gusto kang maisayaw? E magsasayaw ka ba?

V> Basta yung pinaka-dark na blue na makita mo na lang

OK. Isasabay ko sa pagpadala ng ZZ Gundam model.

V> Alright then...Super Power! <God Jinrai theme>

Hahahaha! Ang dami talagang hindi intended na patawa sa mga Hong Kong translated Japanese Transformers shows. Mukha tuloy lotal.

V> Hindi ma-play yung video CD ng Contact dito sa Chaos. Hindi ko alam kung dahil hindi kaya ng system o may warat yung disc.

Hirap ang super high speed CDROM drives magpaandar ng pirate CDs dahil hindi balanced. Masyadong malakas ang wobble.

V> Kung merong may problema sa pagsali ni SAINT (tulad ko), eh di huwag natin siyang isali.  Ganoon lang kasimple. Hindi ko na rin naman magiging at mabuting kaibigan pa si SAINT dahil alam ko namang hindi na magbabago ang pananaw niya sa akin.

Huwag naman tayong magpakasamâ. Dapat pag-usapan muna natin nang maayos ang hindi pagkakaunawaan. Both sides kasi ay ayaw magpakita ng initiative para i-clear up ang problemang ito e. Susulatan ko si Saint tungkol dito mamaya o bukas.

& Spiced Vinegar

B> Life is Hard:prov. [XEROX PARC] This phrase has two possible interpretations:

Ang galing nito ah. Dapat pala ito ang response ko sa mga sinasabi ni Ueno.

B> Okay lang ba kung i-delay ko na to around early March tapos patagalin ko na?

OK lang. Masmabuti ngang tapusin mo na muna lahat ng trabaho mo. Pakidala yung PD disk at yung theme song tape na naiwan ko diyan. Isama mo na rin yung notebooks ko na naiwan diyan dati pa.

B> Kaso kung over ka sa surface ng isang bansa habang ipinanganak, ano ang magiging priority?

Problema pala ito sa pag-set ng exact birth date/time at birth place especially for astrological calculations. Ano nga ba legally ang rules diyan?

B> Walang sabit! Pero okay lang naman may sabit usually, dahil malakas ang flush kaya't higop lahat. Sa eroplano, laging may sabit sa pagtae dahil walang tubig.

Sa eroplano sobrang lakas yung pag-flush. Kapag hindi umalis sa upuan ang isang maliit na bata pag-flush ay baka mahigop ang puwet niya at ma-stuck siya sa toilet bowl. Tae missile.

& So Fruity

L> Dancing at the party! A picnic at the park! Sun-glo juice drinks! Sun-glo juice drinks!

I want you. I just gotta have you. I can't get enough of you. I need you. Everyday, come what may, so fruity, you're the one for me...Zest-O! You've got me Zest-O! You've got me Zest-O!

H> Part ng conspIRaCy yung pagpapaalis sa mga ibang taong pumapasok.

*** HOT_SOP (~frenchkis@P30.MB10.QZN.SKYINET.NET) has joined #college_of_chaos
<Hector> sino ka
<Agham> naka Zak III si Masshimer
<HOT_SOP> PUTANG INA NIYO
<Hector> GENOCIDE
<Hector> DALI
<Baryon> Magaleng
<Vector-Ion> Si Eastgate.
*** HOT_SOP (~frenchkis@P30.MB10.QZN.SKYINET.NET) has left #college_of_chaos

H> Eh ano yung "Lotal akong kaibigan" na may pagkayabang? Ano nga ulit yung "Walang Diyos"? Kore. Kore............... Kore. Hindi uso yung Winter Olympics sa Pinas. Nasaan na yung picture natin sa roller coaster ng Korakuen Park?

"Lotal akong kaibigan"? Paano nga kaya iyon? "Saitei na tomo da yo, orette". Walang diyos = Kamisama ga nai / inai. Nanalo ako ng "interesting goods" mula sa McDonalds dahil tama ang hula ko na Japan ang mananalo sa 500 m men's speed skating. Hindi ko pa nake-claim. Mananalo naman ako ng cheesburger kung Austria ang manalo sa Ski Jump (normal hill K=90). Mamaya ko malalaman. Baka na kay Nanay ang Korakuen picture.

B> May exact date of release na ba ang EVANGELION: DEATH² (TRUE)? Kasi, kung wala akong pasok sa panahong iyon, maaaring sa Tokyo na ako manood para sabay na tayong tumambay mula night before sa theater. Gusto kong mapanood ito.

Hindi ako sigurado. Baka mas-alam pa ni Hec. Ang hula ko ay March 14 ang release ng Eva movie sa theater.

B> Kakilala ko rin kasi ito nung highschool ako eh (one year ahead siya), tapos naging estudyante na ni Agham ito (na-4.00 yata).

Ah talaga? Hindi ko naaalala ito. Hmm...kailangan magbura-bura ng ilang files sa brain para mag-accomodate ng bagong information.

B> Kung sa ganoon, kung sa chigaimasu channel ito: "watashi wa saitei desu." Ulitin po natin.

Hahaha! Masaya nga siguro kung mga ganito ang pinag-aaralan sa WINS channel. Masbagay naman kay sa "are wa flower desu".

L> Ang naisip ko ay yung isang mathematical progression na inherent in nature:

1, 2, 3, 5, 8, 13, 21, 34, 55, 89...

We won't use these values exactly, but the increase in SPV could be similar.

Fibonacci Sequence. Puwede rin nga natin sigurong gawing ganyan ang SPV dagdag para sa number of MS sa team. Puwede ring ibang progressions. Arithmetic, geometric, square root, cube root, logarithmic.

H> Hindi ko alam kung ano yung significance ng Birds sa Arael. Nakita ko kasi sa isang Japanese website na listahan ng Angels, tapos parang may corresponding element bawat isa. Baka mali ang pagkakaintindi ko.

Tama naman ang pagkakaintindi mo. Pero malabo lang talaga yung concepts mismo. Ginamit ba sa Evangelion ang associated elements ng bawat angel? Sino yung second angel?

& Chip's Challenge

To get the chips from around the lake, make a path along the EAST and the SOUTH perimeters 2 blocks wide. Then you have turning room to make a single path along the NORTH and WEST. When you slide into the section below the lake, the first thing is to push the block above UP, and the one to its right RIGHT, so you don't get trapped if you want to backtrack.

Once past the gate, the maze kind of follows the wall into the NE corner, then down, - then take the option leading to NW corner, down to SW corner, and along the bottom to the last few blocks. The fourth last block needs to go DOWN. The middle of the three last blocks gets pushed RIGHT. The top one goes UP. And then the middle one can be pushed DOWN to get home.

Make sense? ...This one's time consuming!
-------------------------------------------
Chips - Level 87 Maze at Lower Right

4R, D, 2R, U, 3R, D, 3R, U, R, 3D, L, 5D, R, 2D, 4L

U, L, 2U, R, 3U, L, U, 5L, D, 2L, 2D, R

D, 2R, D, R, D, L, D, L, D, 2L, 3D

3R, D, 3R, 3U, 5R, 2D, U, R, D, R, U, R, D HOME!


War Dawn

        The Autobots and Aerialbots travel to Cybertron on Omega Supreme to stop Megatron's latest plan. The gullible Aerialbots are tricked by the Decepticons and sent back to the beginning of time, but due to the timely intervention of the Autobots, are only transported back by in time a few million years where they observe how Transformer Orion Pax and his friends were recreated by Alpha Trion into Optimus Prime and others and became leaders of the Autobots on Cybertron against the forces of Megatron.