Agham
Static Electricity
Thu, 05 Feb 1998 23:51:11 +0900
"All good things succumb to those who wait."

& Update

Last Tuesday ay gumawa ako ng Hall Bar structures na pinapaulit ni Ueno. Hanggang sa photolithography stage ay mukhang OK naman. Ang problema ay isang edge lang ng sample ang nakikita kaya hindi pala aligned perfectly yung mask at yung sample. After matapos yung buong process ay saka ko lang nalaman. Tapos yung pangalawang sample ay nahulog ko sa loob ng mask aligner pero mukhang wala namang masamang epekto sa machine kaya iniwan ko na lang. Wednesday ay inulit ko yung buong procedure at wala naman naging problema ngayon. Ang masama lang ay yung gagawin ko sana nang Wednesday ay hindi ko nagawa dahil sa pag-ulit. Thursday morning ay tinapos ko yung first report (out of 2) para sa klase ko sa Advanced Devices. Yung second report ay gagawin ko mamaya. Bukas ang deadline. Hindi na ako pumasok kahit behind ako ng one day dahil inis ako sa buhay ko. Kaya ngayon ay two days behind schedule na ako. Nagpagupit na lang ako at naghanap ng Worms 2 pero wala akong makita kaya humiram na lang ako ng Tape 11 ng Evangelion. Ginamit yung Longinus against the 15th Angel. Irerecord ko mamayang gabi o bukas ng umaga. Ini-interview sa TV sa kasalukuyan si Michael Douglas. Nagloko daw yung computer ng JR at 70 % ng Chuo Line trains ay hindi napaandar kahapon.

& Puro Kayo Laro

V> Isang kalotalan niya na alam ko ay madalas niyang kinakawawa ang negosyo, kahit nasaan pa siya. Nakapaglaro na siya ng Gundam once at mukhang interesado naman siya, pero hindi ko alam kung gusto niyang sumali sa tournament. Palagay ko ay ayaw niya.

Ano ito, may jinx? Paanong nangyayari yung kinakawawa ang negosyo? Entropy Aura? Kung interesado siyang sumali ay imbitahan ninyo. Si Carlito ba interesadong sumali?

V> Ako naman (si Mon), ang balak kong gamitin ay Cluster Gundam, G-Cannon Magna, at Hardy Gun. Mukhang LuGe kung ikukumpara sa balak mong team. O hindi ba?

Sa tingin ko masmalakas ang team mo e pero hindi ako sigurado. Ano nga ba dapat ang total SPV ng isang team? Tapusin niyo na yung 1/100 list pero isali niyo yung MSZ-010 at MSN-100 at yung mga planong bilihin pang ibang model para makagawa na ng listahan ng SPV. Saan nga pala ang battle grounds natin?

L> Apat na Zak? Dugas na yata ito. Either 2-3 mobile suits or 3-4 mobile suits. Bawal ang 2-4. Unless i-rationalize mo na dahil sa technology gap ay puwedeng 3-4 ang lumang suits at 2-3 lang ang bagong suits.

Malaki ang factor ng number of attacks per round sa tournament. May unaccounted for na factor kung 2 vs. 4 ang labanan. Puwede siguro kung magagawan ng paraan ma-isama sa SPV total ng isang team ang effect ng number of MS. Mag 2-3 na lang tayo para walang problema.

H> Paano ito, ipapadala o dadalhin pauwi? Kasi kung dadalhin pauwi, gagawin pa ang mga ito para magamit sa Tournament. Eh gipit tayo sa oras. Kung ipapadala naman, mahal, tapos mawawarat yung kahon.

Ipapadala ko ang mga model na ito. Siguradong bibilihin yung ZZ pero yung 100 ay depende kung magagamit siya sa tournament. Baka kasi masyadong malakas e.

& Loose Strings

L> 99 passengers, 5 crew. Kung nag crash ito, saan dapat ilibing ang survivors?

Nalaman na ba talaga ang nangyari dito? Nasa diyaryo sa Japan ang balitang ito. Nakita daw ang crash site pero parang nawawala ang mga bodies. Alien abduction?

B> Dapat privelage for life na iyan a, wala namang naaabala sa koneksyon natin eh. Sunod jan: As per instruction from the UP Diliman Chancellor, your salary is being withdrawn.

Privelege for life pala, ha? Itong sa iyo: As per instructions from the UP Diliman Chancellor, your life is being withdrawn. Wights.

B> Ayos na, kaso medyo hirap doon sa may-interface na mode, kaya't in-off ko na lang. Hindi naman lokwa kung x-shell lang eh. Pero pag-naka-off, hanggang 18 voices kaya kaya't may improvement pa rin.

I-off mo yung anti-aliasing filter (tanggalin ang -a option) at i-lower mo ang sampling rate to 22050 Hz (gawin mong -s 22050) para mabawasan ang load sa CPU. Baka puwede ka nang mag Ncurses interface ng 18 voices kung ganito.

& Soothing Throat Drops

B> Hindi talaga Gundam ito. Mukhang ngang Gray na Gun EZ eh. Tapos si Shirow lang ata yung magkakaron

Progenitor daw ito ng Blue Destiny GM na lumabas nang December 0079.

H> Pero may nakasulat doon sa instructions nung model na "mode" kapag nakasarado yung wings. Ewan ko, hindi ko naman nababasa eh.

Kaya na pala nating i-translate completely yung mga portions ng Entertaiment Bible na hindi full text. I-translate natin yung FUNCTIONS ng bawat MS pati na rin yung TIMELINE. Sana maasikaso ko pagdating ko diyan sa April. Silent Smoke -- Seven Stars.

H> Hindi natin magagawa ito hangga't nasa Jailhouse pa ang F91 videotape ng CN. Pati na rin yung Char's Counterattack. Akala ko ba A.S.A.P.?

Baka naman kasi hindi pa Boolean=True yung "P" part ng ASAP kaya hindi pa bumabalik.

 

 
Trans-Europe Express
 
      A million dollars will be given to the select charity of a trans-Europe race, where several Autobots participate. The race is actually set up by the Deceps, who are searching for the weather-controlling Pearl of Bahoudin and need a metal from the race car of snobbish driver Augie Canay to contain it. The Stunticons trash most of the Autobots during the race, leaving only Bluestreak, Tracks and Bumblebee to retrieve the pearl and Augie's car. Augie sacrifices his car to defeat Menasor, while the others destroy the pearl once it has been released from its protective shell.