Vector
Concrete Donkey
Tue, 03 Feb 1998 12:18:11 +0800
Sali ako sa GTIV. Mukhang enjoy ito. Happy birthday nga pala sa iyo øLagoon. Huwag ka mag-alala, nakakaihe pa naman ako. Okay naman ang Cape Fear party. Salamat øLagoon. Great food, great house, great hosts. Hindi in the sense na in excess kundi masaya, masarap.
 
 
 
øLagoon ¬ Pati yung movies naka install? At yung soundtrack soundtrack (meron nga ba?)? Ang labo naman yata. In any case, hindi pa rin puwede mag Worms 2 via floppy install.
 
Nakalagay sa hard disk yung movies at soundtrack, pero hindi naka “install”. Yung sinasabi kong floppy floppy kalokohan ay lahat ng laman nung Worms 2 CD-ROM ay ilalagay sa mga floppy, tapos ikokopya sa hard disk yung laman nung mga floppy. Tapos iru-run mo yung frontend para lumabas yung installation menu, so puwede mo nang i-install sa parehong (o puwede ring iba) hard disk. Dagdag seventy-four megabytes iyon, kung full install. Kapag linalaro mo na, sa hard disk niya hahanapin yung mga video, soundtrack, at lahat ng iba pang bagay na normally ay sa CD-ROM niya hahanapin kung ininstall mo galing sa CD-ROM.
 
 
Hindi ko alam kung gagana iyon, pero wala naman akong balak subukan eh. Inaasar ko lang naman si Alagao nung una kong minention iyang floppy floppy kalokohan na iyan dahil diba tinatanong niya dati kung ilang floppy ang kailangan para sa full version ng Worms? I don’t want to hear your voice anymore. I better eat my mango.
 
 
Pagan ¬ Sino ‘to? Hindi ko pa yata narinig yang pangalan na iyan before ha.
 
Si Bernardino ay kaklase ko. Hindi siya estudyante ng College of Chaos. Malabu-labo na maging isa siya. Hindi naman siya nerd eh. Pero matalino. Matalino na bright, hindi intellectual (© øDean). Isang kalotalan niya na alam ko ay madalas niyang kinakawawa ang negosyo, kahit nasaan pa siya. Nakapaglaro na siya ng Gundam once at mukhang interesado naman siya, pero hindi ko alam kung gusto niyang sumali sa tournament. Palagay ko ay ayaw niya.
 
 
Pagan ¬ Kapag may Chaosname kasi, puwedeng estudyante, kaaway, o di kaya walang kinalamang tao eh.
 
Eh pati nga mga aso, may chaosname eh.
 
 
Agham ¬ Ito ang balak ko sanang gawing team ko para sa Gundam Tournament.
 
Ako naman (si Mon), ang balak kong gamitin ay Cluster Gundam, G-Cannon Magna, at Hardy Gun. Mukhang LuGe kung ikukumpara sa balak mong team. O hindi ba? Wala na lang SPV SPV. Basta pumili kayo ng up to three mobile suits. Panis yung dalawang Zaku II sa Leopard Destroy.
 
 
Hector ¬ Si øLagoon lang yung naka-college-of-chaos.net na address.
 
Ano na namang kabaklaan iyan? Kaya pala hindi dumating sa akin eh. Hindi na nga ginamit yung binayarlant nating domain, vector@freemail.webquest.com pa yung ginamit na address para sa akin. Gago! Kung hindi man mag-bounce iyan ay dumating na iyan doon sa nanggagago ng mail ko nung hindi ko pa pinapalitan yung address ko. Pero hindi naman nababasa ni SAINT ito eh, kahit kasali pa siya sa recipient list. Jackass!
 
 
» Dala n’yo ba yung Vigna Zirah?
» Hinde.
» Bakit?
» May gagamit eh.
» Sino?
» Ikaw.