& Update
Absent yung teacher sa class ko sa Quantum Microdevices. Last day pa naman dapat ngayon. LuGe. May pinuntahan si Ueno kaya wala siya kanina. Dahil umalis siya ay umalis din ako. Pumunta ako ng Hongo para mag-browse sa book store at mag-Internet kalokohan. Chineck ko rin kung lumabas na yung problem para sa 3rd report sa Solid State Physics pero wala pa rin. Uurong ko na lang lahat ng trabaho ko by one day. So bukas ng whole day ay Hall bar process ang gagawin ko. Warat kung warat.
& Luma na ito, ah
H> Bakit niya gusto mag-suicide? Dahil half-brother niya pala yung gagong gusto niyang patayin? Ba't si Steve, hindi gusto magsuicide? Paano namatay si Zardoz?
Kasi yung buong mission niya pala sa Earth ay ang original purpose ay para alisin siya sa Bozania dahil ayaw ni Zanbazil na malaman ni Zardoz na siya ang heir sa throne at usurper si Zanbazil. Tapos hindi niya matalo-talo si Voltes 5 kahit anong gawin niya. Mali yung buhay niya kaya gusto magpakamatay. Si Steve hindi gusto mag-suicide dahil hindi naman warat ang buhay niya e. May dalang bomba si Zanbazil habang tumatakas siya sa castle na may dalang maraming alahas. Ibabato niya sana sa Voltes team pero binato muna ni Zardoz ng dagger at sumabog si Zanbazil. Umapoy yung paligid tapos nagpasunog na lang si Zardoz.
H> Pati yung structure ng kuwento. Ilan ba ang ending nyan? Hiramin niyo na lang yung Genesis 0:11 paglabas sa February 4. May bago na bang EVA or Gundam models? Ano yung ad ni Ibuki Maya doon sa dulo ng episode 20?
Ilan nga ba ang ending? Yung TV series na original, yung 1997 movies, tapos yung lalabas na movie this March. Pero yung "End" pala mismo ay may two alternate endings. Yung patay lahat o yung naiwan lang si Shinji at Asuka. Hiram-agad ang 0:11 pag labas. Singit sa TV room na puno lagi ng maton. Wala pang bagong Eva models. This February ay lalabas ang Gundam Deathscyhte Hell Custom (1/100, 2000 yen) at Gundam EZ-8 from 08th MS team (1/144, 800 yen). Hindi ko yata napanood yung ad ni Ibuki Maya.
H> AMX-015 Geymalk ba yung katabi ni Kinjo? Ano ba yung spelling ng Bandai dito? Sino ba ang pilot nyan? Ano yan, puro funnel yung weapon?
Hindi ko alam ang Bandai spelling ng AMX-015. Actually, kaya ko sinama dahil hindi ko alam kung ano iyon noong pinalabas yung episode last week. Ang pilot ay si Kyara (yung pilot ng R-Jaja). Ang weapons niya ay puro mega-particle cannon. Ito ang weapon list o:
| Armament: | double beam launcher x 2 (2.3 MW)
hyper mega particle gun x 1 (30.5 MW) double mega particle gun x 2 (4.5 MW) mega particle gun x 1 (6.2 MW) mega particle gun x 2 (5.5 MW) triple mega particle gun x 2 (4.0 MW) beam rifle x 2 (2.3 MW) 3-grenade launcher x 2 beam saber x 2 (0.85 MW) mega beam cannon x 2 (3.8 MW) baby funnel x 28 (1.8 MW) |
Hmmmm....parang masaya rin gamitin ito ah. Pero walang plastic model kit nito e.
& Squish them Meeses
L> Tomorrow is also the deadline for formally declaring your intent to join the coming Gundam Tournament in late April of this year.
Si Bernardino ba ay isasali sa Gundam Tournament? Kaya lang kawawa kung siya lang ang bago.
L> Dapat gumawa tayo ng pie chart ng buhay. Kalahati na agad yung Dune2.
Dune 2 + ending of Voltes 5 = isang buhay.
L> Kung weapon man siya, sa pagkaalala ko ay hindi naman siya area effect weapon. Pero baka lotal lang ang pagkaalala ko. It could be a weapon, but not necessarily a mega particle cannon.
Dapat panoorin ulit nang mabuti yung tape na nandoon tayong lahat at pag-usapan natin kung ano talaga ang apparently nangyari. Tapos i-translate din natin lahat ng references tungkol sa F91 equipment mula sa libro ni Saint. In the meantime, iwan muna natin as coolant dura.
H> Ano `to? Binawi ni Llaguno lahat ng UP local phone o yung atin lang? Bakit binabawi? Dahil sabog na yung phone line ng UP? Lotal. Ganda-ganda nung teleponong iyon eh.
Abusado na iyang si Llaguno ah. Bakit binawi yung phone natin? Hindi na nga binalik yung phone line tapos babawiin din yung phone unit. Buti na lang pala at inuwi niyo talaga yung extra na telepono ko.
H> The highly popular "NEON GENESIS EVANGELION" movies will be rereleased in March of 1998, as a single feature.
Siguradong papanoorin ko ito kahit walang kasama at kahit mahal at kahit overnight ang pila. Sasali ako sa mga gagong Hapon na pumipila pa lang the night before mag-open. Namimiss mo ang third half ng buhay mo kapag hindi mo nakita ang ending ng Evangelion.
& Isa PA
May na-download na naman akong Timidity console version na updated. Patch level X1 na ito. Kaya nang gumamit ng Soundfont samples (SF2 files) na ginagamit ng AWE32/64 sound cards. Pinagsamang lakas ng Gravis Ultrasound at Creative Soundblaster AWE32 using software emulation. May nakuha rin akong compact IRC program na gawa ng Hapon na programmer just in case ayaw talaga umandar ng mIRC sa computer ni Baryon. Sobrang asar yung mga regulars ng Gundam Mailing List doon sa isang newbie na nag-start ng Gundam vs Evangelion thread. Sabi ni Dyar ang wavelength daw ng infrared ay 75 to 1000000 angstroms. Mali.
Aerial Assault
Somewhere in the Mid East, the Decepticons and an arms smuggler have kicked the local prince out of his palace and are using his resources to steal airplane parts; the planes are disassembled, built into harmless looking vehicles for transport, and then taken apart to be used to build an air fortress. The Aerialbots are sent to investigate, and Sky Dive and Slingshot go undercover. They are partially
taken apart, and befriend a teenager named Hassan who helps them reconstruct themselves. Slingshot is still without a weapons console as the other Aerialbots fight the Combaticons and the new air fortress. He and Hassan make the repairs just in time to form Superion to defeat Bruticus. Everyone is surprised to find Hassan is the ousted prince.
![]() |
![]() |
![]() |