Baryon
ABEND
Sat, 31 Jan 1998 00:32:20 +0900
ABEND:[Abnormal End] Abnormal termination of (of software); crash;lossage. Derives from an error message on the IBM 360; used jokingly by hackers but seriously mainly by code grinders.
 

 
Eto ang first dorm-written CNN ko. First HTML na rin. Puros first. Ang sarap pala ng feeling na hikwa ulet ang computer mo kahit hindi. Parang wala kang problema sa buhay. Hindee. Anyway, friday night ngayon, kaya't wala akong pasok bukas dahil wala namang conscription dito. So ngayong gabi, akin ang daan puwedeng mag-lasing. Kaso wala naman akong pera eh, kaya't ba't pa. Puyatan na lang siguro. Ewan ko ba kung ano ang gagawin ko.
 
Since my last CNN, wala masyadong significant na nangyayari. Hikwa ang MS Word grammar check ng Japanese. Yung mga careless particle errors ko naaayos. hindi naman sa sobrang dami, pero minsan, may mga nakakaligtaan lang talaga, o di kaya mga totoong hula dahil hindi sigurado kung alin ang tama. So ngayon, dalawang essay ang backlog ko sa mga klase ko - isang tungkol sa Foreign words in Japanese, tapos isa sa mga highschool student na nag-aarubaito. Inanounce na rin kung kelan ang end of classes namin - February 28. Ang exams hanggang March 4, tapos may Study tour kami sa March 5-6. Pagkatapos noon, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay. Uwi na lang ako. Pero hindi ko alam kung kelan ang start of classes namin.
 
Kahapon naman, na-invite ako sumama sa isang Sushi bar. Sabi ko wala akong pera, kaso may nag-offer na manglibre dahil kilala naman daw niya yung may ari. O sige. Di sumama ako. Masarap naman ang pagkain, tapos wala namang kadiring substances akong nakuha. Pero bakit ang mga Hapon nagugulat kung malakas kang kumain ng sushi? Ganoon ba talaga ka rami ang mga nandidiri dito na Foregners? watashi wa gaikokujin nano de gozaimashou.
 
Maligayang Chaosmas nga pala sa CN. Pasensya na lang at walang mga aguinaldo. Eto na lang, lotal na picture. Wala na akong mahanap na puwede sa hard disk ko eh. Mamya, gagawa pa ako ng sulat sa dating kaklase ko, tapos bukas, kaunting balik-aral para sa quiz sa Monday at preparation na rin para sa susunod na kabanata ng libro.

 
MGA KALABUANNG COMPUTER
 
L> Ang labo naman yata. In any case, hindi pa rin puwede mag Worms 2 via floppy install
 
Normally, hindi nga puwede. Pero diba magaling si Ramonet sa mga kalokohang ganyan? Naaalala ko napaandar non yung C&C sa bulok na 386DX niyang walang CD-ROM sa mga hacking na ganyan eh. Hacker/Lawyer. Kaya kelangan kausapin ni Joel si Ramonet kung gusto niyang laruin. Kya save me.
 
A> May na-download din akong bagong version ng Timidity (yung command line version).
 
Me warat! Hindi yung sa Timidity na isinend mo nga lang. Hindi ko alam kung papaano NGyari, pero yung timidity.cfg ko naging trash file. Pa-send naman nitong file na ito o. Sige na kahit tae, pa-send ulit ng list. Warat ang Wingroove. Hindi pala tunay na na-crack. Premature excitement. Lotal. Wingroove=uncrackable. Hikwa ang Dashboard 95. Mag-ingat lang dapat kundi, mapapatagal kang nakaupo ng walang nagagawa sa poker game na linalaro mo.
 
A> Puwede nang mag-IRC si Saint ng walang bayad. Pero ayaw nga pala niya ng IRC.
 
Mga tatlong password para walang agawan. Hindi ko pa na-susubukan i-reinstall ang mIRC ko. This weekend ko gagawin. Kung wala talaga, monday ng HAPON mag-dodownload ako ng kopya galing paaralan. Mga tatlong password para walang agawan.
 
MGA KALABUANG GUNDAM
 
V> Pero kailangan lang naman daw yata yung MS selection list kung sasali yung mga Jailhouser eh.
 
Magiging mas-necessary nga kung mag-cocommit sila, pero kahit wala, useful na rin. Kasi kelangan pang kompyuten ang mga strengh ng mga MS para makapag-konstrukt ng mga team. Pero General Teka Teka, ano ba talaga ang final rules? 1/100 ba talaga tayo? Kung 1/100, walang Penny MS sale system. Pero mas-masaya ang mga model. Kapag 1/144 maraming options. Ang naisip kong strength value ay 100 total. Ang templant nito ay ang triple-Gelgoog team for 1/100 games. Okay ba iyan?
 
L> Bakit ibabalik yung mega particle dura ng F91?
 
Hindi pa final ito. Mystery kasi ng kaweirdohan ng laban ng F91 sa Lafressia eh. Kung susundin natin ang Crossbone Gundam na gustong-gusto ni Zacarias, definitely coolant ito. Pambalamig ng umiinit na bio-computer sa ulo ng F91. Kapag uminit yung ulo ng F91, magkakaroon ng images. Pero kung papanoorin ang animation mukha talagang baril sa timing ng pag-tira. Kaso, walang nakalistang ganoong weapon sa list ng F91. Pero ewan. Tanong niyo si Zacarias.
 
Malakas ang protesta laban sa mega-particle ng F91.
 
A> Baryon, kung may iba pang detalye kang naaalala ay pakidagdag na lang. Antok kasi ako habang pinapanood natin yung tape e.
 
Eh ako rin, matulog-tulog na eh. Hindi kaya ang limang sineng tuloy-tuloy. Masyadong masakit sa katawan. Anyway, mukhang kumpleto naman yung description. Basta alam ko nung mga parteng nakakatulog ako, lagi akong nagigising sa pagsabi ni Zardos/Hainil ng what's that? Wala pa akong mahiraman ng VCR, kaya't sinauli ko na muna ang tape. Hihiramin ko na lang ng sabay-sabay yung tatlo kapag mayroon na para ma-record.
 
A> Ano ba talaga yung "Death", yung "Rebirth", yung "Air" at yung "magokoro o, kimi ni". Yung last two ay mula sa "End of Evangelion"
 
Ewan ko ba. Wala naman talaga akong alam sa Eva eh. Nagbabalita lang ako ng mga nababasa ko kung saan-saan. Magtanong kayo sa mga nanood nung TV series talaga. Kung Japan iyan, habang buhay niyo na iyan.
 
Regarding movie-watching sa Japan, ewan ko ba. Puwede rin siguro, pero mas-mainam kung makahakot ako ng kasama. Tapos baka isa-lang, either Eva or Gundam lang. Kung ganoon, mas-mataas ang value ng Eva. Napanood ko na ang Endless Waltz eh. Pero kung may pera, puwede ring pareho. Bajala na. mada kettei shinai.
 
Mayroon akong MIDI na hikwa (220K ata) ng Air. Humingi na lang ang interesado. Hindi ko pa nabibili ang GP01Fb.
 
MGA KALABUAN MALABO
 
V> SiGe. Ano? Bernardino na lang.
 
Sino `to? Hindi ko pa yata narinig yang pangalan na iyan before ha. Bagong estudyante ba iyan? Puwede bang Gundam tournament player iyan? O lotal na taong nadaan lang sa CN? Kapag may Chaosname kasi, puwedeng estudyante, kaaway, o di kaya walang kinalamang tao eh.
 
Pagan, paano ba makokontakt si Tricia?
 
Ang e-mail address niya ay tric@hotmail.com, pero dahil wala siyang sariling computer ay malamang around twice a week lang niya ma-checheck ito. Nakasa pa siya ngayon sa public access nodes. Either way, nasabihan ko na siya, at dapat nung Thursday night ay naibalik na jan. Wala namang problema sana.
 

Ayos. Natapos din. hindi mahaba, pero mas-ma-dugo ang trabaho sa HTML. Lilipat na lang akong Netscape para nababasa ko yung mga commands. Ba't ba ang hirap ng mga kanji ng computer terms. Pero kapag kausap mo naman ang mga Hapong marunong, English command+suru kung magsalita. Ewan. Anong itsura ng sig file sa HTML? Kasi txt yung sig ko eh...

 
ABEND:[Abnormal End] Abnormal termination of (of software); crash;lossage. Derives from an error message on the IBM 360; used jokingly by hackers but seriously mainly by code grinders.