Good morning guys.
Gabi na ngayon - mga 11pm. Katatapos ko lang magbasa para sa class ko bukas. Maraming nangyari. Actually konti lang ang nangyari pero parang marami.
Nagpunta si Agham dito sa Osaka nung Friday night. Since na-kuwento na rin niya ang mga pangyayari, hindi na ako magdadagdag. Detalyado na naman din ang mga naisulat at wala ng mapapala pa ang redundancy. Itutuloy ko na lang ang aking buhay from his departure. I won't bore you with the details.
Pagka-pasok na Agham sa Osaka station, nag-libutlibut muna ako sa Umeda are, since hindi ko pa naman din masyadong na-roroam ito talaga. Nag-isipisip ako at nag-compute ng pera, tapos bumalik sa Kinokuniya at nag-decide ng bilhin ang Hacker's Dictionary. Hikwa naman ang libro, ang daming explanation ng terms at iba-ibang bagay na maaaring maging hooks, character insights, at higher degree of understanding ng non-commercial computer industry. Lahat ng OS may pangasar na tawag ang mga iba't-ibang hacker, dahil lahat may sariling preference. Pagkatapos tumae, habang kaunting basa ng bagong libro, itniloy ko ang paglibot. Bumagsak akong McDonald's para kumain, tapos napadpad sa arcade center, naglaro ng kaunti ng isang mecha Playstation game (VirtualON), tapos umuwi.
Noong gabi, masyado na akong pagod kaya't tulog.
Monday, balik sa pagpasok. Regular day with no significant events. Hindi pa rin nagcocommit ang jailhousers. Pero maaga akong umuwi para magbayad ng renta ng kuwarto at magtrabaho ulit kay Disorder. Ang unang na-encounter ko ay problema. Nagwarat ang PD Disk na pinagstoran namin ng apps na-iiinstall ko. Hindi mabasa ng Windows yung PD most of the time, tapos kung maread ko man, masyadong unstable. Tapos tumigas ang PD at naging permanently writed protected. Nagpaka Net ako at nag-DOS and NC at nadiskubreng nababasa pa ang PD from DOS. DOS based nanaman! Kaya't agad-agad, finormat ko yung old Blackhole PD (nalinis naman ng walang problema - kaso burado ang ebidensiya ng blackhole phenomenon), at kinopya ang mga relevant files sa hard disk, tapos linipat sa lumang PD na napaandar na ulet. Nung later part ng evening, nag-install ng iba't-ibang apps at shell extensions, at cinustomize ang settings. Kaya't ngayon, feeling ko hikwa na ulet ang computer ko.
Pero may magandang pangyayari. Salamat nga pala sa cracker na gumawa ng registration program para sa Wingroove. Napapaandar ko na ngayon ito ng walang problema. Wala ng ang register button, tapos may pangalan ko na. I-aarchive ko ngayon to at ilalagay sa ibang lugar para matago ang only cracked, owrking copy natin.
Tapos tulog. Ay, naglaba pa pala ako.
Tuesday, balikaral. Hindi nanaman nagklase ang Contemporary literature ko dahil warat daw yung teacher. Pag-uwi ko, tinapos ko ang file transfers into the old PD at gumawa ng assignment. Tapos CNN. Mamya, Star Trek (1:20 am).
DATES
A>April 19 ang planned date ng pag-uwi namin.
Napag-isip isip ko, hindi ba mas-mabuting i-delay ng one week para 26 ang uwi natin? Kasi kung 19-3, 9 days of classes ang ma-mimiss natin. Pero kung 26-10, 7 days lang. Pero lalampas ng Golden Week ito. Tapos, puwede bang gawin nating Saturday-Saturday ang takas para may-panahon akong makauwi dito sa Osaka? May nagpamigay kasi ng mga kelndaryo sa amin kaya't napatingin ako eh.
GUNDAM AND EVA
H> Ita-type ko na lang ito, tapos ii-email sa iyo para mas madali. Matrabaho lang, pero magaleng...
Paki-daliaan na lang kung ganoon. Medyo kekelanganin natin ito para sa MS selection list, anu mana ang magiging rules dito. Pero huwag namang wala ng ibang ginagawa, hindi naman ganoon ka kelangan.
A>Yung "The End of Evangelion" pala ay episodes 25 and 26.
May bago akong balita tungkol dito. Apparently (sabi ng isang Eva FAQ), yung kuwneto ng Eva TV series natatapos sa episode 24. Although may 25 and 26, ang kuwnto ng Evangelion:Death ay hindi nagmamatch dito (inignore, pinalitan, ewan ko ba), kaya't sinasabing parang part ng TV series yung Death.
Tapos, according to my Eva fan teacher na mayroong NERV ballpen, mayroon daw bagong Eva movie na irerelease sa April. Medyo nagtaka ako kasi ang alam ko, wala ka ng magagawa pa sa kuwento ng Eva, kaya't nag-investigate ako. Mayroon nga daw. Ang title ay Evangelion:True, which is yet another retelling of Eva:Death (which was a retelling of episode 25 and 26).
Other interesting anime bits. May Gundam movie to be released
this year rumor floating in anime magazines. Movie version daw
ng Endless Waltz. No details. Ewan ko kung totoo.
WIKA
A>Ang general rule (sa pagkakaalam ko) ay NANG
Ah, basta, lotal ako jan. Baka mas-alam pa nung mga Hapong
nagaaral ng Filipino sa akin ito. Noong thursday last week,
nagpatulong magsulat ng speech sa akin si Yasu, isang 3rd year
student sa Filipino. Ang nagtataka ako, kapag nag-susulat sila
into Filipino, dinadaan nila sa English. Eh diba mas-malolotal
iyon?
Ang lotal naman nito.
PAGAN
---------------------------------------------------
"Pathological-techno-fetishist-with-social-deficit"
E-mail: pagan@college-of-chaos.net
Web Page: www.geocities.com/Athens/Acropolis/8546/
![]() |
![]() |
![]() |