& From days of long ago
Last Friday ay pumasok ako ng saglit para i-unload yung sample na mineasure ko kagabi at para ipakita kay Ueno yung mobility data na nakuha ko. Dahil lotal ang data, kailangan kong ulitin ang pag-solder at pag-measure. Tapos ay bigla akong tumakas dahil ngayon ang araw ng pagpunta sa Osaka. Sumakay ako ng Odakyu express papuntang Odawara ng 11:46 am. Tapos ay sumakay ako ng Tokaido line (4 separate trains) papuntang Osaka. Umalis ako ng 13:50 at dumating sa Suita station ng 21:26 kung saan kami magkikita ni Baryon. Late yung train ng 9 minutes. After that ay bumili kami ng pagkain tapos nag-check ng mga programs na dala ko sa mga PD at nagkuwentuhan ng kaunti. Next day ay pumunta kami ng Nippombashi at nag-lunch sa bilihan ng bento, tumingin ng mga anime videos, bumili ng IE4 Plus CDROM (Japanese version with manuals, technical support and lots of extra bundled software) bumili ng portable parallel-port PD drive, tumingin ng second-hand computers, nag-apply sa isang ISP, humiram ng 5 video tapes sa Tsutaya, at nag-dinner sa McDonald's. Sa gabi ay nanood kami ng 2 videos: F91 Perfect Edition at Cyberjack. Wala kaming nakitang bago sa F91 -- baka yun na yung meron tayo at yung theater version ang wala. Baka daw ibalik yung particle cannon sa bibig ng F91 -- matutuwa na si Saint. Halos automatic pala ang F91 -- hindi kailangan masyado ng physical input mula kay Seabook dahil ginawa pala ng nanay ni Seabook na sa kay Seabook naka-tune yung biocomputer. Puro pag-run ng batch file lang ang ginagawa ni Seabook. Sa Cyberjack ay bida si Michael Dudikoff. Action movie na nagpapanggap na cyberpunk. Lotal. After that ay nag-reformat kami ng HD ni Baryon at nag-reinstall ng Win 3.1, Win95 at IE4. Naayos din yung dating problema ni Baryon sa video card driver. Tapos ay nanood kami ng Willow, natulog ng kaunti, kumopya ng ilang program mula sa PD ko para may kopya si Baryon, at lumakad na. Nag-lunch kami sa Minami-Senri at tumuloy sa Umeda/Osaka station. Tumingin kami doon ng mga libro. May nakita kaming film book ng End of Evangelion. Bizarre yung mga pangyayari. Masmadugo pa sa Rebirth. Tumingin din kami ng computer books tapos naghiwalay na kami. Umuwi na ako sa Tokyo. 1330 to 2230 ang Tokaido line. Dumugas ako para maka-exit ng walang bayad. Pagdating ko sa dorm ay kumain at natulog.
& Camille = Cream
H> Ayaw na yata ng mga tao sa CNN dahil sa mga bagong patakaran at sa recent lambastos. Premature rebirth yata `to eh.
Dapat yata gumawa ng "The End of CNN" after ng "CNN: Death and Rebirth". Wala pang official CNN si Dis at Saint after the Rebirth.
H> Maiimpeach si Clinton.
Kasi, manyak e. Dapat may kasamang castration aside from impeachment.
H> Ang galing nung background nito o, winter nightsky. Hanapin niyo yung Orion's belt at Pleiades.
Yung Orion ay nasa left ng "please install font before reading" at yung Pleiades ay nasa ibabaw ng Sun and Moon. Nasaan yung Aldebaran?
H> Dumating na nga pala yung package ni Agham, noong Friday pa. Anong gagawin dito sa toys?
Ang bilis naman -- 4 days lang. Yung "toys" ay ibigay niyo kay Dr. Sarmago. Naiwan pa yung gallium ingots at GaAs wafers. Pakibigay yung 2 blouse kay Junelle or pakiiwan sa ibabaw ng bed ko. Nag-shrink ang paa ni Hec dahil sa lamig?
H> Nag-install ako ng Mirabilis ICQ sa Chaos. Ayos din, ibang klase. Hindi lotal tulad nung OrbitIRC. Gagana ba `to kung ilagay sa Random?
Paano ba iyan? Automatic paging kapag nag-online ang isang taong hinahanap mo? Palagay ko hindi gagana sa Random pero hindi malalaman ang totoo unless subukan.
H> Paano ba gumawa nung sticker sheet na may pangalan na ikakabit doon sa certificate card ng Perfect Grade Evangelion Memorial First Lot 12.12.97. ? May nahanap na ba kayong Nerv pin? Kayo na lang ang sumagot nung bagong pakontes, may answer key dito eh.
Dapat may label maker para makagawa ng sticker na may pangalan. Puwede ring bumili ng label sheet at i-laser print ang pangalan tapos gupitin. Ano ba ang exact dimensions ng area na pinaglalagyan ng pangalan? Tignan ko kung makahiram ako ng label maker. Wala kaming mahanap na Nerv pin ni Baryon last Saturday. Yung "The End of Evangelion" pala ay episodes 25 and 26.
& Scirocco = Syrup
V> Baka nga incompatible siya sa LAN-PROJEKT WinProxy. Bili na lang tayo ng Microsoft Proxy Server 2. Pero lotal pa rin pala dahil hindi puwedeng nasa network drive yung mail folders ng OutlookExpress. Kukunin ko na nga lang yung Netscape 4 sa Lighthouse BBS. Meron ba iyong import messages from Outlook Express?
I-try niyo kaya sa Wingate proxy server. Naka-install din dapat sa Chaos ito. Walang import messages from Outlook Express ang Netscape 4.
V> Bumili rin ako ng Worms 2 (ginamit ko yung privilege card), dalawang album ni Enya, at saka mga pintura at paintbrush.
May play over TCP/IP networks ba ang Worms 2. Gusto ko rin maglaro niyan.
V> Ginagawa ko ngayon yung volume 4 ng CNN Hard Target. Sinubukan kong gawin yung mga HTML CNN sa Word 97 ng Random pero warat pa rin. Pero hindi naman pala sa version yung problema. Kahit Word 7 lang, kaya, pero dapat naka-enable yung Confirm Conversion at Open sa options.
Ah, ganoon lang pala yung problema. Ako na rin siguro ang tatapos ng volume 7. Ano pa ba yung hindi nagagawa? Volume 5 or Volume 6?
V> Putol kapag binuksan ko sa Word. Mga first two paragraphs lang ang lumalabas. O may bago na namang nadiskubreng bug maliban doon sa ampersand.
Eh? Bakit kaya? Susubukan ko nga buksan sa computer ko mamaya.
V> Marami na akong sinubukan pero ang pinakamainam na solusyong nakita ko ay save as text tapos manual editing ang fonts at colours. Kahit may iba kayong maisip na solusyon ay walang silbi dahil nagawa ko na.
Ay luge.
V> Agham, ano ang password sa level eighty-six ng Chip’s Challenge? Hindi ko malusutan yung level eighty-five dahil sleight of hand and twist of fate ang kailangan sa level na iyon.
Level 86 Password = FLHH
V> Lotal na pakontes o. Sabihin n'yo kung ano dapat yung mga iyan.
Mga kanta ni Lionel Richie ito, diba? Pero bakit nagkaganyan ang spelling?
& Macho Cheese
L> Hindi pa nag co commit ang Jailhousers. Commit! <Fabio> Kantot. <Fabio> In fact, hindi nag su sulat ang Jailhousers, maliban sa CT ni SAINT.
Bibigyan ba ng deadline ang pagsali sa Gundam Tournament? Dis and Saint, magsulat naman kayo diyan. Lonely si Saint ngayon.
By Thursday siguro ay makukuha na ni Baryon ang login name and password niya mula sa Aoi-Net. Makakasali na siya sa IRC starting February 3. Maglilinis na ako ng kuwarto pagkatapos kumain dahil sobra na sa dumi. Gagawa rin ako ng email replies sa ilang tao tapos magbabasa para sa gagawin kong report sa Thursday.
![]() |
![]() |
![]() |