& Quick Update
Ang ginagawa ko for the past few days ay nag-aattempt mag-solder ng Hall bar samples. Masmaliit pa ito sa mga ginagawa ko dati kaya after 2 days ay 3 packages lang ang natapos ko at isa lang ang puwedeng i-measure. Bukas ay tuloy ang pag-solder. May 4 na reports akong isa-submit para sa 2 classes ko. One every week starting tomorrow.
& Random Pointers
B> Dapat may Classical Grammar ako ng third period, pero walang teacher.
Buti ka pa at madalas kang walang klase. Hindi ako pumasok noong Monday dahil tinatamad akong bumangon tapos sumama ako sa field trip sa Hitachi Central Research Lab kaya hindi rin ako nagpakita sa lab. Ginagamit ko ang every opportunity para makatakas sa pagtrabaho sa lab. Siguro sisipain na ako dito.
B> Ewan. <---- ang galing ng salitang ito.Pero sabi ng isang sensei sa kin, "aywan" daw ang tamang spelling nito. Aywan.
Iyon nga yata ang original na spelling. Pero valid na naman yata ang spelling na ewan e. Ewan.
B> Pero since two weeks lang kami ni Agham sa Pilipinas (may klase rin kasi eh), nagdududa pa rin akong may mangyayaring matino sa GT IV kung sasali pa ang Jailhousers.
Since todo-bulgar na ang GT at homecoming ay pag-usapan na natin ng todo. May interest at panahon ba si Saint at si Dis na mag-commit sa halos araw-araw na laro ng Gundam habang nandiyan kami ni Baryon sa Pilipinas? Kung hindi sigurado ay manood na lang kayo pero kung kaya niyo ay welcome kayong sumali para masmasaya. Kung 7 players (hindi ko na ine-expect si Carlito) ay may 21 games for round robin, 10 of which ay puwedeng laruin before dumating kami. Tapos, may 12-13 games for double elimination play-offs so may 23-24 games na kailangan laruin in 2 weeks. April 19 ang planned date ng pag-uwi namin.
H> Ano na nga pala ang nangyari sa iba pang volumes? Nasaan na ang hikwang HTML CNN ni Agham?
Pinadala ko yung unfinished volume 7 last Monday kasama ng tape I, Cyberia CDROM disc, at ilan pang mga smuggled high purity chemicals including GaAs ingots worth 100000 yen. Kriminal. Darating diyan siguro sa Tuesday kung on time. Kasama rin ang unpaired sock ni Hec at dalawang items of clothing para kay Junelle.
H> Ita-type ko na lang ito, tapos ii-email sa iyo para mas madali. Matrabaho lang, pero magaleng...
Mabuti ngang i-type ito para may ibang kopya tayo. Kapag nawala yung file book or nag-disintegrate ay masmatrabaho kaysa i-type. Puwede pang ayusin such that madaling iimport sa isang database for future convenience. Nandito yung "A Third Do You Know Book" sa akin. Nasaan yung First at Second? Kumpleto tayo nito dati e.
L> Do not try to make sense out of Chaos. You might end up believing in a god.
Fractal behavior ang nagco-control ng pag-shape ng mountains, coastlines, trees, snowflakes at marami pang bagay sa kalikasan. Lahat ito ay resulta ng Chaos. Sabi ni Einstein, "God does not play dice".
V> Gustong ligawan nang sabay-sabay. Nagyayabang ng pagka-chickboy. Ano ba iyan, reassurance na hindi ka lotal sa babae?
Dis, oo nga naman. Bakit nga ba sabay-sabay kang nanliligaw ng 4 (apat) na babae. Ano iyan, more attempts = greater chance to score? Kung ganyan ay hindi ka pa talagang nagmamahal tulad ni Saint. Hindi mo pa nahahanap ang true love mo.
V> Wala pang dumadating na sulat. Ano nga ulit yung pager number niya? Ano na ang nangyari doon sa laptop niya? Naayos na ba?
Basta paki-page siya pag dumating. Ang pager number ay 127755093. Hindi pa naaayos yung laptop niya. Sabi ko dalahin niya diyan. Hopefully this Sunday siya makakpunta.
D> Salamat kay Lagoon, kay Hector at Vector sa ginawa ninyong birth anniversary poster.
Alam mo ba ang laman nun? Puro lambastos lang iyon. Nagpapasalamat sa lambastos?
D> Considering their respective amorous pasts, i can only hope that they will not commit the same mistakes they faltered over.
Mula sa unusual state ni Saint ngayon ay mukhang sila na nga ni Nina. Huwag mangamba at sa tingin ko ay hindi na nila mauulit ang mga pagkakamaling tinutukoy mo. Teka, sino ba ako para magsabi nito? Diyos?
B> Malapit na ako makakuha ng ISP para sa Tuesday club. Kaunting hintay na lang ng pera. This month's cash is meant for an ISP and/or a Playstation.
Kaya bang pareho? Ang suggestion ko ay ISP na lang muna dahil mas-versatile ito kaysa Playstation. Kung gusto mo, mag-apply tayo sa Aoi Net habang nandiyan ako sa Osaka.
B> Aside from that, last Friday, lumabas ako with some European friends and went to Shinsaibashi last Friday, stayed out hanggang 5 AM to ctach the first train.
Malakas makaubos ng pera ang paglabas-labas sa mga bar. Potentially aabot sa presyo ng isang Playstation ang magagastos mo sa isang gabi kung hindi ka maingat.
B> Also, Agham, pag-punta mo sa Osaka this Friday, baka gusto mong dalhin ang Gundam RPG books at ang shoes ko kung hindi masyadong madami ang dala mo.
OK, dadalahin ko ang mga ito. Iiwan ko na rin ang "A Third Do You Know Book" dahil sa iyo naman yung librong iyon e. Dadalahin ko rin yung Super Robots na libro dahil walang hilig sa anime ang mga tao na kasama ko so useless. Friday ng 13:51 ang departure ko from Odawara. 11:55 ako aalis ng Seijo station. 21:20 ako darating sa JR Suita station. Tatawag ako bukas ng gabi sa iyo.
B> Walang snow sa Osaka. Kahit mga Hapon hindi alam ang sariling train network nila. Sa foreigners nagtatanong kung paano makarating sa isang lugar.
Snow ang forecast in both Osaka and Tokyo as well as the Tokai region on Friday. Sana hindi mawarat ang paglalakbay ko. Lotal mag-handle ng snow ang JR e. Pero totoo nga na hindi common ang Japanese na magaling mag-navigate ng rail network.
B> Web Page: www.geocities.com/Athens/Acropolis/8546/
Palitan mo iyan ng /~pagan/.
L> Pahanap naman ng crack ng All-Pro League Scheduler by All-Pro Software. Baka magamit natin ito sa Gundam Tournaments.
Walang available na crack para sa program na ito. Manual labor na lang tayo. Kaya i-fit ang 23 games in 12 days in such a way na i-take into account na at most 2 games per player per day at yung schedule ni Saint at Dis kung sasali man sila.
& Wala NG Bawian
B> Lahat NG tao may conspiracyng ginagawa. Wag ng pag-isipan.
Ang general rule (sa pagkakaalam ko) ay NANG ang ginagamit kung adverb ang function ng susunod na sentence unit at NG naman kung direct object ang function. NG din ang dapat gamitin kung noun modifier (i.e., parehong function ng English "of" or Japanese "no"). NANG naman ang dapat gamitin kung linking form ng "na" ("already", "mou"), e.g. ayaw ko nang mag-aral. May ibang cases pa bang nakalimutan?
& Skywatch (GMT+0)
Walang exciting events this month. Puro lokwa.
| 25 | 22h | Venus at Perihelion |
| 26 | 17h | Mercury 8º11'S of Venus |
| 27 | 00h | Venus 3º09'N of Moon |
| 01h | Moon 5º03'N of Mercury | |
| 28 | 06:02 | NEW MOON |
| 29 | 00h | Uranus-Sun Conjunction |
| 17h | Moon 2º02'N of Jupiter | |
| 30 | 01h | Mars 1º42'S of Moon |
| 14h | Moon at Perigee: 363799 km |