Baryon
Peripheral Vision
Tue, 22 Dec 1998 10:23:57 +0800
Lotal. Ulet ang pagsulat. Nag-hang ang computer at reboot.
 
Kuwento ng bisa: nagawa ko na ang application ng visa ko kahapon. Eto yung sequence. Cancellor -> Rose torres Yu (dating vice-Cancellor) -> Hashimoto (dating estudyante ni Rose Torres Yu sa Osaka Gaidai) -> Masano Oue (current head ng Filipino department sa Gaidai at dating diplomat sa Pilipinas) -> Uemura (isang tao sa embassy ngayon).
 
Ayaw pa kunin nung tao sa Window 7 yung application ko. Bawal daw. Tapos tinawagan ko sa Uemura sa office niya, tapos pagbalik ko sa window, okay na daw. Dugas.
 
Salamat kay Lagoon sa materials na kinailangan ko. Naayos ko na rin ang rebooking ng ticket. I will arrive on December 26, Saturday ng early evening.
 
For the meantime, magaasiko ako ng trabaho. First sa priority list ay ang midterm paper ko sa Contemporary British Literature. Paki-dagdag na rin sa acquistion list. Balak ko ay paper on Narrative Poetry sa Literature of the Fantastic. Tapos revisions sa "Constellations" at "Sunset Over Changi Airport". Tapos preliminary work sa critical element ng thesis ko.
 
A> Predictable ang Japanese TV drama endings.
 
Eto lagi ang lotal sa panonood ng Japanese drama. Kung pinanood mo yung ending, maaasar ka dahil lotal at alam mo na kung ano ang mangyayari. Kung hindi mo pinanood, sobrang bitin dahil umaasa kang iba yung mangyayari. Tapos na yung L'Oisou Bleu. Okay naman at mayroong incestous overtones yung kwento.
 
H> Ang sabi po ni Ryan ay "Chigaimasu" ngunit ang tama po ay "Chigaimasu". Iba po diba?
 
May napanood ako kagabi sa WINS na opposite ng chigaimasu show. Pilipino para sa mga Hapon. ang pinag-uusapan nila ay Kagabi at Ngayong gabi. sakuban, at konya. Mayroon Hapon na nag-eexplain, at Pilipinong taga-pronounce.
 
H> Kelan ba lalabas yung Star Trek: Insurrection?
 
Nakabasa na ako ng synopsis at mukhang okay naman. Ewan ko lang ang direction at kung tama ang portrayal ng characters. Prime Directive conflict siya, tapos parang may conspiracy sa Federation na i-move sa ibang planet yung isang race na in-oobserve nila para ma-exploit yung natural resources. Uso kasi ang post-colonial themes sa US ngayon eh.
 
 
 
Pagan
---------------------------------------------------
Pathological-techno-fetishist-with-social-deficit

pagan@college-of-chaos.net