Hikwa yung tugtugan namin sa Hobbit House. Kasama namin si Nino. Kaya lang apat lang ang taong nanood. Tamang tama tig isa tayo <NEV>. Si Lara, yung disarmingly beautiful sister of Minco. Si Vince, erstwhile Imp biographer-photographer on his way to Palawan on a writing grant. And a quiet couple in the dark corner of the establishment. After one set ay pinauwi na kami ng management ng Hobbit. Sayang. Dumating din pala ang mga kaibigan ni Gem Padilla (pero si Gem wala) na si Rhett at si JV (yata yung pangalan).
Tuesday
Recovery and detox. CoNspIRaCy sa gabi. Reverse jury rig ako dahil may appointments ako the following day.
Wednesday
Cardiologist sa umaga. Okay na ako, clean bill of health. But my doctor has once again encouraged me to stop smoking and drinking. Susubukan ko ulet mag quit ng yosi pag dating ng 1999. Quitters never win. Pero beer at grass hindi muna siguro. Pagkatapos ng Heart Center ay nagpunta ako ng Megamall. Nanood ako ng Antz at ng Soldier. Okay naman pareho, na entertain naman ako. Nung hapon ay Orthodontist naman para mag pa adjust ng braces. Tapos uwi na.
Thursday
Pahinga ulet today unless may tumawag at naghahanap ng magagawa. May mga layout jobs ako na kelangan tapusin.
No Replies
Wala na naman akong ma replyan. Sorry po. Ano ba ang maganda thread na puwede simulan? Gumawa na ba dati ng CNN thread list?