Lagoon
The Ashes of Eden / 1075
Mon, 14 Dec 1998 14:06:39 +0800
WARNING : Lokwa
 
Friday Nakagawa kami ni Minco ng bagong kanta para doon sa commercial deal na hinahabol namin. Hikwa. Nag keyboards ako, tapos ginamit din namin yung drums nung keyboard. Ang title ng bagong kanta ay A Moment of Desire. Medyo baduy yung lyrics, pero pang benta eh. Pero ako gagawa para makabenta <NEV>.
 
Saturday Tumugtog ang Pinwheel (Release Version) sa Alter Nativity, isang concert / fund-raising activity ng NU 107. Hikwa. Medyo sabit sabit kami dahil wala kaming practice, pero nakalusot. Naputol yung D-string ni Minco.
 
Party Hardy Hugely successful na naman ang Cape Fear December party. Maraming dumating, kaya hindi ko na ililista dito. Masaya naman lahat ng guests, at nag jamming pa later in the evening. Hindi naubos yung beer at other alcoholic drinks so malamang merong leftover party, baka sa Tuesday.
 
Sunday Cape Fear exile. Recovery from Party Hardy, pero walang detox. Beer, droga, kain, tulog and WATCH MORE TV.
 
Monday May tugtog kami mamaya sa Hobbit House. Wala na naman si Rhany, pero kasama namin tonight ang excellent harmonica player na si Nino of Blue Jean Junkies. Naka jam na namin siya noon sa opening nung exhibit ni Minco sa Ayala Museum (September?). Mukhang masaya ang tugtugan mamaya.
 
No Replies
 
øLagoon
FIGHT THE BANTAY
write to : lagoon@college-of-chaos.net
visit : www.college-of-chaos.net/~lagoon