Nung hapon ay nagpunta ako sa Pink Noise Recording Studio para ipahiram yung gitara ko sa Freesouls. Nag re record sila ng album nila at okay naman yung tugtugan nila. Pagkatapos ng session ay derecho sa Makati para sa Writer's Night. Nag perform kami ni Minco ng three songs. Hikwa. Nagkita kami doon ni Pagan. Madaming tao.
SI SANOT NGA! Nakita namin ni Pagan si Sanot sa Writer's Night. Ayy. Hindi ko pinansin. Marami akong ibang kausap na tao at pa hover hover siya sa background, parang nag pa pa pansin. Hindi nagbago ang itsura niya. Na corner niya si Pagan at nagusap sila sandali. Hindi ko alam ang pinagusapan nila. Pero nung paalis na ako, after ng performance namin ni Minco, naka abang siya sa exit at tinapik niya yung shoulder ko pag lampas ko sa kanya. Nag delay ako ng konti, tapos tumalikod ako, gagawin ko na sana yung o offer ko siya ng yosi (sayang wala akong Peace cigarettes). Pero pag talikod ko ay pumasok na siya ulet sa building. Hindi ko na siya nakita ulet.
Wednesday
Cape Fear exile. Nag linis na laang ako ng kuwarto at banyo ko in preparation for Party Hardy on Saturday. Masarap tumambay sa kuwarto ko ngayon. Nung gabi ay WATCH MORE TV.
Thursday
Tumugtog ang Pinwheel (buong banda) sa Amnesty International concert. We didn't open the show, but we started it. Nag sayawan yung mga tao sa Moonshine. Hikwa. Pagkatapos ng tugtog ay tumambay kami sa bahay ni Noel sandali. Tapos bumalik kami sa concert at nanood ng Brownbeat (yung isa pang banda ni Rhany na ang singer ay si Myra formerly of Put3Ska) at ng super trio reggae rock group Spy. Pagkatapos ay nagpunta kami ni Minco sa Malate. Nandon si Gem Padilla, Minco's current squeeze, at mga fiends [sic] ni Gem; si Rhett, proprietor of several RTW shops, and extremely attractive woman Patty (or Patti, di ko alam ang spelling).
Friday
Hinehentai ko ang tawag ni Minco, dahil gagawa kami dapat ng isang jingle para sa isang commercial. Hindi pa talaga sa amin ang deal, pero gagawa na kami, para makuha na namin ang deal. Kapag nakuha namin, masasali kami sa isang campus tour promoting the product for which we are writing the jingle for. Got that? Hindi ko pa puwede sabihin ko ano yung product, very secretive ang advertising world. Tinapon ni BigayLuya yung mga AXE.
CNN Kalokohan
Hec : Ano yung tawag sa CNN time period ngayon?
Ang tawag sa CNN period ngayon ay For The Longest Time. O corny ba?
Hec : Paano kung may CNN Century na mas tumagal pa?
One atometer per era. Ang prediction ko, ang 11th Century ay sa birth anniversary ko lalabas. Ano nga kaya ang magiging pangalan kung may CNN Century na mas matagal pa sa 11th? Ilang months na ba since CNN Millennium?
Pinwheel Kalokohan
Hec : Kung makarinig ba kayo ng ganyang kanta ay bibili kayo ng album?
Ako hindi. Pang sell out talaga yung mga tagalog songs para sa akin. Pero kung makakuha kami ng contract, I will make sure the original english versions of the songs are part of the album. Basta sa ngayon ay gagawin ko ang lahat para makapag record ng album. Kahit sabihin pa ng record company na mag cover kami ng baduy na pinoy na kanta. Shh, siyempre up to a certain point lang, kelangan naman din ma preserve ang artistic integrity.
Hec : Yung Nagtatago ba yung Tinagalog na Under My Hat? Sinong nag-translate?
OO! Yung basic chords ako ang gumawa. Si Minco ang gumawa ng melody line at english lyrics. Tapos tinranslate naming tatlo nila Noel. Yung Kinabukasan ganun din. The original song in Englilsh was written by Minco. Tapos ni rearrange ko yung kanta at pinalitan yung chord progression. Tapos tinranslate naming tatlo nila Noel.
Hec : Gawa ka na lang ng mga MP3 ng Pinwheel songs para marinig naman namin ulet.
Vec (voice from the past) : Pumuputang na naman yung CD-ROM drive ng Chaos.
Lakas ah.
Agham : May kasamang garranty (o, maling spelling) ba ito na regular kayong makakapunta?
Sascorp ah. Ako hindi ko masasabi na regular attendance ako. Kaya siguro iwan na lang sa Tuesday.
Agham : Paano ka pala magki-click sa link kung nasa Start Menu ka?
Ano? Hindi ko po maiintindihan. Paki-explain. Yung Jailhouser, basta may makitang paki-explain, iisipin lambastos agad.
Agham : Baka dahil nag-aattempt mag-play ng
dalawang sound nang sabay e isa lang ang kaya ng sound card.
Siguro nga pag nagsasabay yung sounds. Pero ginawa ko yung sabi ni Vec na browse in a new process at so far ay hindi na ako nag e EXPLORER CRASH.
Bagong Kalokohan
Hec : Ganon pa rin ba yung odd-even rules?
May bagong kalokohan ngayon. Oy, may bagong gago. Ano? Baaago. On certain stretches sa main thoroughfares, ban ang certain cars on certain time periods. Parang sa isang part ng Quezon Ave, ban ang odd sa umaga, ban ang even sa gabi. Ah basta, ang labo ng scheme. Binabago yung rules para manalo.