Super Update
Friday
Nagpunta kami ni Minco sa BMG. Kausap namin yung big boss. Natuwa naman siya, pero gusto niya marinig yung tagalog songs (Kinabukasan and Nagtatago) na full band setup and complete arrangement. Nag decide kami gumawa ng bagong demo tape, with the 2 tagalog songs, Moonshine, Helen, If, and Lies and Cries. There will also be another photo shoot. Basta gagastos kami para mag produce ng Pinwheel kit para sa mga taga BMG. Tapos magbibigay din kami ng kit sa Sony.
Pagkatapos ng meeting ay nagpunta kami ni Minco kila Jet at tumambay doon at nag dinner. Tapos ay nagpunta kami ng Malate para mag beerdrogababae.
Saturday
Cape Fear exile, detox and general recovery, and body clock reset.
Sunday
Sumama ako sa Cubao para mag shopping. Bumili ako ng machine head para sa bass guitar ko. Nagpagawa ako ng bagong eyeglasses, tapos bumili ako ng dalawang libro. Yung una, biography ni Gene Roddenberry, about the last few months of his life. Basically isang mahabang interview. Yung pangalawa isang obscure sci-fi novel na ang title ay Agent of Chaos. Kaya ko lang binili dahil sa title, hindi ko pa alam kung ano ang kuwento niya.
Nakakita din ako ng copy ng The Art of Star Trek. Hikwa. Tapos meron ding The Making of Deep Space Nine at The Making of Star Trek II (yung TV series na hindi natuloy). Large, coffee table format books ang mga ito, tulad ng Star Trek Encyclopedia. Mura lang, under 500 PhP, kaya lang ubos pera na ako. Baka gusto niyo bilhin ito.
Nung gabi ay nagpunta kami ng kapatid ko sa Bluesland, isang bagong music club sa Xavierville. Maraming tao dahil may fund raising event. Nakita ko sina David and Louie of Razorback, Cynthia Alexander, Annabelle Bosch, Jamie Wilson, among others. Nandun din ang mga Pinoy music greats tulad nina Lolita Carbon, Sampaguita, Jun Lopito, Grace Nono and more.
Monday
Ni-repair (rinepair?) ko yung bass guitar ko at nilinis. Ginamit ko ng sandali at naghanap ako ng alternative bass lines sa Pinwheel songs. Ang galing mag bass ni Rhany. The Ovation is a beautiful instrument. Pero sakka na ako mag a aral ng bass guitar, kapag sobrang hikwa na ako sa 12 string.
Bumalik ako ng Cubao to pick up my new pair of eyeglasses. Red pa rin yung lenses pero mas dark, tapos heavy black plastic frames. Parang goggles yung effect niya. Nung gabi ay tumambay ako sa Verve at nanood ng Spy.
Tuesday
Pupunta ako sa recording ng album ng Freesouls (isang pinoy band) mamayang hapon. Ni ra racket (rinaracket?) ko kasi yung gitara ko. Ang bayad nila ay 500 PhP per recording session. Sana mahirapan sila gamitin yung gitara, para mag session player na rin ako at mag increase ang racket. Si Rhany ang producer ng album.
May Writer's Night mamaya. Pupunta ka ba Pagan? Kung mag decide ako pumunta ibig sabihin ay jury rig or reverse jury rig na naman ako sa CoNspIRaCy. Baka maganda ilipat na ang CoNspIRaCy sa Sunday night or something. Ano sa tingin niyo?
The College of Chaos Newsletter
Hec : Kelan kaya lalabas ang CNN 1100?
O, hulaan na. Agham, according to our current CNN production rate, kelan lalabas ang CNN 11th Century? Ako ang hula ko ay sa 1999 na, dahil walang gagawa ng CNN or konti lang ang production during The Confluence 2. May pangalan na ang CNN 1100. The Longest Century.
Hec : Papatayin ba ulit yung CNN sa Confluence 2?
Hindi na papatayin ang CNN kahit kelan. At hindi na mawawala iyon ever. Kung walang gumagawa, walang gumagawa. Kung meron, meron. Meron ba kayong Hotsip? 4.75. Ano, magkano? Ah sige, palitan natin.
Agham (from the past) : Yung Need for Speed 2 ba ay napapagana niyo na rin?
Ang galing nito ah. Umuulet talaga ang CNN.
My options are decreasing
Hec : Hindi pinayagan yung dagdag pera ng Cancellor.
Vec : Hindi na nga pinayagan yung $700, hindi pa pinayagan yung benta ng lupa. Tapos kung mabenta man niya yung Lancer, kalahati lang yung makukuha niya.
Kawawa naman yung Cancellor. Nag be breakdown na yung mundo niya. Wala na siyang trabajo, wala na siyang pera, gago yung mga katulong niya...
LSP : If you do, my half of the proceeds should be put in a time deposit in Baryon's name.
O Pagan! Ikaw na ang maghanap ng buyer ng Lancer. Kikita ka pala eh! Baka pumayag yung Cancellor dahil naghahanap siya ng pera. Tanong mo kay Ernie D'Artist kung interesado siya, dahil bumibili ng used cars yon.
The CN Gaming Experiment
Vec : Nagawa na ba ng Unification yung Omen Project at Civitas Dei?
Dahil hindi natapos ang mga adventure ay puwede natin sabihin na hindi nagawa ang Unification projects na ito.
Vec : Ano ba yung kuwento nung God Gambit?
Gusto niyo ba i reveal ko sa inyo ito? Wag na lang muna, baka puwede ma refine at magamit ulet sa future.
Vec : Ba't ba hindi tinapos yung dalawang naunang GEx?
Kasi tinamad yung dalawang naunang GEx Master.