Cape Fear exile dahil sa kawalan ng pera. Natapos ko naman lahat ng layout rackets ko. Tapos nung gabi ay nag record kami ni Minco ng eight song excerpts na guitar and vocals only. Sana matuwa ang BMG. Babalik din si Minco sa Sony.
Thursday
May tugtog kami sa Mayric's mamaya with Razorback. First set kami. Tapos mag da drums si Minco para sa bagong banda ni Ricky (yung dating bass player ng Hungry Young Poets; hindi ko alam kung sino ang bass player ni Barbie ngayon) na ang tawag ay Little Green Men. Baka pumunta na lang ako ng Hobbit House para manood ng Color It Red tapos baka dumaan na rin ako ng Verve para makapag droga.
A Brief History of Pinwheel
Proto-Pinwheel
Around February of 1998 (kung tama ako) nagsimula mag practice sina Minco, Rhany, at Noel ng mga original compositions ni Minco. Marami naman silang na accomplish, pero nag punta si Rhany ng Thailand (yata) para mag produce ng isang album. Hindi pa ako kasali kaya malabo ang alam ko tungkol sa period na ito.
Pinwheel program development
Around May 1998 (paki check sa CNN kung tama ako) umalis si Minco nang (ng?) Color It Red para i resume ang pagtayo ng banda na tutugtugin ang mga compositions niya. Hindi pa available si Rhany kaya naghanap siya ng ibang bass player. Nag usap kami sa Verve Room at sabi ko na interesado ako sumali sa banda niya, pero 12-string player ako. Shh, siyempre sabi ko puwede rin ako kumanta.
Ni-recruit namin si Krishna (erstwhile drummer of Electrikoolaid) at keyboard player extraordinaire Jake at nag jamming kami. Tumugtog pa kami sa isang party ng mga French. Pagkatapos ay walang nangyari.
Pinwheel (Shareware Version)
Naisip ni Minco na kunin ulit si Noel, dahil alam na niya yung mga kanta. Pero dahil walang bass player nag bongos muna si Noel so todo acoustic kami. Tumugtog kami sa iba ibang clubs.
Pinwheel Version 1.0 (Release)
Natapos ang project ni Rhany at nabuo na finally ang banda. Mabilis ang transition, dahil alam na ni Rhany ang mga compositions ni Minco. Konti na lang ang inaral niya, cover songs at mga compositions ko. Tuloy tuloy ang growth ng banda. Kahit papaano ay na establish na kami sa Pinoy music scene.
Further program development
May gig kami soon na hindi available si Rhany dahil may production project na naman siya. Balik trio for that gig pero hindi talaga dahil may kilala si Noel na sax or clarinet player (female) na baka maki jam sa amin. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari, pero excited akong makilala at makasama siya sa tugtugan.