Lagoon
1060 - Select your industry
Mon, 30 Nov 1998 10:28:39 +0800
Saturday
 
Nagpunta ako sa Verve Room nung gabi (balita ba ito?). Okay naman, maraming tao. Beer droga babae. Kelangan ko na bumili ng droga. Mahirap mabuhay ng puro hingi lang. Nagbukas si Don (yung may ari ng Verve) ng bagong bar. Ang pangalan yata The Lobby. Pero lahat ng taga Verve Room ang tawag Kabila. Example : Nasaan ka nung Sabado? Sa Kabila.
 
Sunday
 
Nagpunta ako ng CN at nanood kami ng Espinosa vs. McKinney. Lakas ah. Tapos nagpunta kami ni Pagan sa Greenhills at naghanap ng software. Bumili si Pagan ng mga PSX titles. Naghanap ako ng NFS SE pero wala, di ako na-enroll (Jailjargon).
 
Ang hirap na maghanap ng lumang games dahil sa CD-ROM era. Hindi na na ka-copy, kaya kapag nabenta na, sa isang tao lang mapupunta. Nung floppy disk days, dahil madali mag kopyahan, kahit ilang tao puwede mag ka copy ng laro.
 
Pero nakakita kami ni Pagan ng sobrang lumang titles sa Dataventure, including EOB, EOB2, Star Trek 25th Anniversary, Out of This World, at Neuromancer na naka 5.25 floppies pa. Tapos lahat kaysarap ng orig. Parang masarap bugbugin si Grand Pricks.
 
PUTANGINA KAYONG WEBQUEST KAYO!!!
 
   ----- The following addresses had transient non-fatal errors -----
<pagan@college-of-chaos.net>

   ----- Transcript of session follows -----
451 <lagoon@college-of-chaos.net>... freemail.webquest.com: Name server timeout
451 <pagan@college-of-chaos.net>... webquest.com: Name server timeout
Warning: message still undelivered after 4 hours
Will keep trying until message is 5 days old
451 <lagoon@college-of-chaos.net>... freemail.webquest.com: Name server timeout
 
 
Replies
 
Hec : Dapat sa Tokyo na lang kami nag-aral eh.
 
Maganda ang suggestion ni Pagan na pagkatapos ng HS ninyo sa Indones ay sa Japan na kayo mag undergrad studies. Puwede niyo siguro asikasuhin ito sa The Confluence 2. Magtanong tanong na rin kayo kung may available Japanese language courses sa Indones. Manood kayo ng WINS.
 
Tamang tama siguro pagkatapos ng college ninyo sa Japan babalick kayo sa Pinas at tapos na ang term ni Erap at tapos na ang MRT construction at sikat na ang Pinwheel.
 
Hec : Paki-labas naman o, kung sino man ang may oras.
 
Matagal nang nilabas, nasa study room ngayon, katabi nung orange chairs. Dinugas ko pala yung isang portable stereo, yung dating nasa kuwarto ni Pagan. Sira na yung tape deck dahil misaligned na yung autoreverse head. Baka puwede ko pa ma jury rig, pero wala nang autoreverse. Yung CD player ayos pa.
 
Hec : Sinong Bob Kane?
 
Si Bob Kane ang nag imbento kay Batman. Yung original Batman pala, dark character at dark stories talaga. Tapos slowly naging Adam West type Batman. Tapos biglang bumalik sa pagiging dark, lalo na nung pag labas ng The Dark Knight Returns ni Frank Miller. Sino ang unang gumamit ng Tempus Sans ITC sa CNN?
 
Hec : Eh yung Gran Turismo, meron ka na?
 
Okay sana yung Gran Turismo dahil sobrang daming selection ng kotse tapos normal cars pa, hindi yung Exotics. Kaya lang ang daming kalokohan na bibilhin mo pa yung kotse (may pera pera rules) tapos me maintain mo pa yung kotse (wear and tear from racing) tapos puro closed circuit tracks, walang rally tracks na may traffic. The best pa rin ang NFS. Kaya nga naghahanap ako ngayon ng NFS SE. Baka meron sa Japan or sa Indones, pambili naman o.
 
Monday
 
Cape Fear exile sa umaga, tugtog sa OraCafe sa gabi. 4 days nang walang practice or tugtog ang Pinwheel kaya malamang skwakwa kami mamaya. Okay lang, wala naman siguro manonood sa amin tonight. Kahit yung mga regular na nanood sa amin noon (tulad ni Gigi) walanna.
 
 
 
øLagoon
“I drink the moonshine and I think of you”
lagoon@college-of-chaos.net
www.college-of-chaos.net/~lagoon