Lagoon
Patay na pala si Bob Kane (1058)
Sat, 28 Nov 1998 11:46:53 +0800
Friday
 
Pagkatapos ng konting pag aayos dito sa Cape Fear ay walang nangyari. Nagpaka exile na lang ako. Nung gabi ay nanood ako ng TV at ginawa ko ang GEx mail ko. Tapos tulog na tulog na.
 
 
 
CN Gaming Experiment
 
Hec : ... yung GEx Master mismo, pinapadala yung mga GEx ni Alagao sa amin.
 
Partisans. Hindi ko memorize yung definition ng Partisans eh. Kayo na lang ang maglagay.
 
Vec : Late na lang ako papasok sa campaign
 
Mahirap ito para sa GEx Master dahil baka maging masyadong malakas or mahina yung character mo para sa magiging adventure. Ang GEx kasi (well at least nung ako pa yung Master) tailor-made ang adventure para sa skills and powers ng mga pleyers. Ang suggestion ko ay gawin mong simple yung character mo. Wag ka na mag-isip ng mga Cyberpunk kalokohan, simple people exist in a cyberpunk setting anyway. Pero wag naman sobrang simple na tulad ng Ako '82. ANG LOTAL NAMAN.
 
 
 
Cape Fear Party
 
Hec : Kumuha ka'ng tsokoleyt? Tingin nga...
 
Yung original ay Corel 8 format na ginawa ng kapatid ko kaya ang laki nung file size. Gumawa ako ng JPEG version. See Attachment.
 
Pagan : Lagoon, puwede magsama ng date para may kausap ako?
 
Shh, siyempre. Sama mo na rin sina Claire at Libay at kahit may mga crashers pa. Basta siguraduhin mong may yosi silang sarili. Almost one year ago na yung Tite. Bayag yon eh! at yung skwalog.
 
 
 
The Need for Speed
 
Hec : Diba napaandar na natin dati iyan...
 
<
OO! Pero ngayon matino na. No hitches. Lotal mag cheat cheat sa PC NFS2 pero mas maganda pa rin yung PC Version. Ang ganda ng GT90.
 
Hec : Meron ka na ba nung Need For Speed 3? Ano nga ba yung Ferrari doon?
 
Meron pero PSX tapos Japanese pa. Hindi mabasa ng PSX ko for some reason, kaya na kay Pagan yung disc ngayon. Dalawa yung Ferrari, F550 at 355. Hikwa yung Jaguar XJ-15.
 
 
 
Band Mates
 
Hec : Diba Finnish si Minco? Alien sa Finland o sa Pinas? Häkkinen fan ba siya?
 
OO! He is a citizen of Finland officially, pero Pinoy born siya at laking New York. Kaya malabo talaga kung saan siya galing. Hindi siya F1 fanatic pero kampi siya siguro kay Hakkinen dahil kababayan niya kahit papaano.
 
Pagan : ... December 8 para sa Writer's Night. According to the person in charge, Vim Nadera, may mga band performances daw at maraming beer
 
May band setup ba, with amps and drums and all that? Tapos kelangan ba mag register kung performing band ka? Tapos may free beer and food ba kapag performer? Paki tanong naman para ma propose ko sa Pinwheel.
 
Pagan : Dati-rati kasi nung hindi pa nagkakawaratan, si Alagao ang kausap ko eh.
 
Dati-rati kasi nung hindi pa nagkakawaratan, si Alagao ang kabanda ko eh.
 
 
 
Job-Related
 
Pagan : Inaffirm na ng BOR ang ADT decision sa Cancellor.
 
Ayy. Panalo ang Jailhousers. Kinaltasan daw sila ng sahod tapos nung Lunes hindi na sila pinapasok (NEV?).
 
Vec : Ba't nag-resign si Auntie Amor sa Asian Bank? Tagilid na ba yung bangkong yon? Maglilipat ba kami ng pera?
 
Hindi naman siguro kelangan. My mother is fed up with corporate life and politics kaya babalik siya sa pagtuturo. She has also begun work with a Jesuit ecological-social org. After so many years of working in Makati ay babalik na siya sa original line of work niya which is teaching. Pero hindi pa tagilid ang AsianBank. Lakas nga eh (Jailjargon).
 
 
 
Science-Fiction
 
Pagan : I-dedebunk ko yung idea na science-fiction deals with the future.
 
Tama. Any kind of fiction is always about the time when it was written. Yung Star Trek lang, they both deal with the same future, and characters even crossover between series, pero malaki ang difference between the stories of TOS and TNG. TO SCREW. Kung gusto mo ng tungkol sa future, magbasa ka ng Future Shock. F DREAD.
 
 
 
Un-fucking-believable
 
Hec : Saan mo nakuha yung fuck.wav?
Pagan : Ang galing nung Fuck.wav.
 
Matagal nang (ng?) umiikot yan sa mga junk mailers. Ngayon ko lang naisip i singit sa CNN. Galing yata ito sa isang Playboy Production.
 
 
 
You love the red white blue,
but you hate the black black black.
 
Vec : ...o kaya hindi talaga receptive yung buhok ko sa dye.
 
Just make sure that every time you shower or bathe, your hair and scalp is rinsed thoroughly. Ako rin naman dati hindi receptive yung buhok sa hair treatment, pero dahil pala ito sa buildup ng shampoo and conditioner dahil masyado akong nagmamadali palagi tuwing naliligo ako. Lalo na nung long hair ako, grabe yung gunk sa buhok ko. Ngayong maikli na ay madali na i rinse kaya walang buildup and thus madali na palit palitan ng kulay.
 
 
 
Blast from the Past
 
Vec : Usong-uso ito sa UPIS, dahil hindi daw sila naniniwala na puwedeng maka-perfect ang 'tao lang'.
 
Sa Ateneo non, na ceiling grade din ako. Ah, "floor" grade pala yon. Hindi puwede bumagsak ng 60 ang grade. Yung actual grade ko 53 yata, pero 60 yung nakalagay sa report card. Yung next grading period, 60 na talaga. Tapos yung next period, naging 61. Tapos nung 4th and last, 63 na. Muntik ako mag repeat ng senior year sa Ateneo. Buti na lang magaling ako mag sulat ng appeal letter.
 
 
 
Saturday
 
Wala akong plans today. Basta, kelangan ko lumabas ng bahay. Kahit mamayang gabi na lang siguro. Patay na pala si Bob Kane : http://www.salonmagazine.com/feature/1998/11/06feature.html
 
 
 
øLagoon
“I drink the moonshine and I think of you”
lagoon@college-of-chaos.net
www.college-of-chaos.net/~lagoon