Baryon
Mackintosh's Quality Street
Fri, 27 Nov 1998 23:59:41 +0800
 
Ang daming nangyayari. Inaffirm na ng BOR ang ADT decision sa Cancellor. Pinaguusapan pa daw nila ng lawyer niya kung ano ang next action nila - kung idadaan sa Civil Service Commission o derecho sa korte. You were my lawyer! Ang isang advantage nila ay pag terminate daw ng term ni Javier (with a new BOR and legal office) this August ay madaling mapa-reopen yung kaso nila ni Dayco. For the meantime, magtuturo ang Cancellor sa DLSU this January. Wala daw problema sa bahay dahil joint daw sila ni Nanay sa access dito. On secondment lang si Nanay kaya affiliated pa rin siya sa UP. Hindi kelangan mag-lipat. Kaso kelangan ng extra pera for December. May mga reporter pa kanina ditong nagsusulat ng interview. Minenshon nung Cancellor yung isang article sa Collegian. Sabi nung reporter. Sorry, hindi ako nagbabasa ng Collegian. Para kasi silang highschool paper.
 
Anyway, wala pang bagong nangyayari sa akin. Kung tuloy ang Tokyo trip, eto ang gagawing kong flight schedule. Ayos lang ba sayo Agham na doble ang airport sundo? Kung sabagay, basta may dala akong pera hindi ko kelangan ng sundo. Kaso wala akong pera. December 22-January 5 ako. Eto na ang maximized schedule ko. Puwede na sigurong sabay kami ng flight ni Nanay pauwi. Agham, pasend ng dokumento na kelangan ko para sa visa aplikeyshon. Anu-ano nga ba ang mga ito?
 
Nakuha ko yung invitation sa Cape Fear December party. Lagoon, puwede magsama ng date para may kausap ako? Dati-rati kasi nung hindi pa nagkakawaratan, si Alagao ang kausap ko eh.
 
Ang galing nung Fuck.wav.
 
 
 
H> Do not let any other GEx player read this mail, pero yung GEx Master mismo, pinapadala yung mga GEx ni Alagao sa amin. Hahahahahahahaha!
 
Nakakatawa yung mga GEx ni Alagao at Sanot. Si Alagao may pa fiction-fiction kalokohan pa. Tapos pareho sila akala gusto silang papatay ng Unification. Kung gusto kang papatay ng Unification, patay ka na. Patay na ako. My funeral is tomorrow. Pero ngayon, bawal talaga mag GEx conspiracy. Padala niyo na ang mga pleyer niyo sa akin by tuesday. Nasa previous CNN ko yung system requirements.
 
L> November 30, December 17, and December 29 - OraCafe December 7 - Hobbit House
 
Kung wala kang ginagawa, pumunta kayo sa Filipinas Heritage library sa December 8 para sa Writer's Night. According to the person in charge, Vim Nadera, may mga band performances daw at maraming beer. Kaso may entrance fee na yata. I'll be there with my Performance Poetry class supposedly to do something. Hindi ko pa alam kung ano. Baka mainterview pa ako sa TV tungkol sa Writing Workshops.
 
L> Puwede natin gawin ay tuwing CoNspIRaCy ang deadline ng pleyers.
 
Okay na itong schedule na ito. Padala niyo na ang mga pleyer niyo. Sama niyo na rin yung day in the life para makapag-simula na tayo. Wala pa akong naiisip na kuwento, pero gagawa na lang ako kapag na kita ko na ang characters.
 
L> Pero hindi na yata "literary" yung direction ko. Socio economics na yata ito eh. Konti lang ang sci-fi fans na kilala ko at sila ay middle to upper class. Sci-fi is a
 
Actually, iyan din yung pinaka-common argument against science-fiction in the Philippines. In a way tama siya. Although ang gagamiting kong approach to defining SF ang magiging parang solusyon ko jan. Aargue ko kasi na science-fiction is largely a defamiliar method of approaching present day society. I-dedebunk ko yung idea na science-fiction deals with the future. Marami rin kasing succesful SF works set in a pastoral rural village, particularly sa early (1960s) Japanese SF at Feminist Utopia SF. Although, admittedly, with SF in the Philippines, magiging malakas yung tendency towards middle/upper class literature. Pero, ang observable ay malakas talaga yung trend na ito sa Philippine Literature in English.
 
H> Lagi kaming sini-ceiling grade.
 
Ano ba itong ceiling grade na ito? Hindi ito lambastos. Paki-explain lang. Kapag sinabi mo iyan, akala ng jailhousers lambastos. Basta CNN, akala ng Jailhousers lambastos. Jailhouser si Javier. Panalo ang jailhousers.
 
H> Japanese pa ba yung system ni Bayon?
 
Deh. English yung system ko ngayon. Pero maraming add-ons para makapag-sulat in Japanese. Sa katotohanan, yung Japanese text mo,lumabas ng maayos sa akin eh. Paki dahil sa Japanese Global IME ko. Pero naka litestep shell na ako ngayon. Hikwa. Kayang palitan yung itsura ng desktop totally. Medyo nasanay na rin ako sa step.rc editing, at kahit papano familiar na ako sa commands. Naka Chiba City theme ako ngayon na configured sa programs ko.
 
May isang problema lang akong hindi ma-solve. Paano iset na iba-iba yung shell sa iba-ibang desktop sa Windows 98? Palagay ko registry hack ito eh. May binigay siyang registry entry para dito for shell sa Windows NT pero hindi ko sigurado kung pareho ito sa 98. Sa ngayon hindi ko magamit yung ibang desktops ko dahil warat ang configuration nila. Sayang, may magandang LCARS theme at Macintosh theme pa naman for Litestep. Agham, baka alam mo ang solusyon dito.
 
A> Hindi pa hinahatid nila Ryan yung 2600 pesos ko diyan?
 
Saan ko po puwedeng matawagan ang mga ito. May pera pa naman ako pero magbabayad pa ako ng PUTANG INA KAYONG WEBQUEST KAYO!!!, kaya baka delikado. Ay, pinadala na pala rin yung next month cash ko kaya puwede na. Pero baka mas-mabuting ibaon ko nalang yung suit jan pagpunta namin.
 
Pagan
---------------------------------------------------
Pathological-techno-fetishist-with-social-deficit

pagan@college-of-chaos.net