Hikwa yung Wednesday ko. Nagawa ko naman lahat ng pinlano ko gawin, including washing my clothes, layout racket, at Cape Fear party invite. Tapos nung gabi ay nagpunta ako sa Cafe Caribana at nag perform kami ni Minco sa isang tribute para sa sikat na dead poet. Okay yung tugtog namin, kahit 1/2 Pinwheel lang, marami namang natuwa.
Sabi ni Sir Krip Yuson dadating daw si Padma pero hindi ko siya nakita. Sayang. Nagkaroon ng mini Fabregas reunion with Jaime (si Sic o'clock News), Minco, and bewilderingly beautiful Lara late into the night kaya lumipat na ako ng Verve Room. Droga.
Thursday
Thursday was another long day. First stop, orthodontist para mag pa adjust ng braces. Tapos punta ng Megamall at tambay tambay at nanood ng Saving Private Ryan. Hikwa, halos yung buong film ay shot from a person's POV. Puro tight shots, tapos very realistic yung mga patayan. Panoorin niyo. Pagkatapos ng mall ay uwi muna para magpahinga ng konti tapos punta ng Verve Room. Walang droga kaya beerbabae na lang.
Bumili ako ng The Complete Stone Roses kahapon, an extensive, definitive collection of songs by Manchester band The Stone
Roses. Ang medyo sikat na kanta nila ay yung She Bangs the Drums atsaka I Wanna Be Adored. Hikwa ang Stone Roses, baka gusto niyo pag tripan.
Friday
Napaandar ko yung NFS2 network sa Cape Fear. Meron pa lang batch file (nonetmsg.bat) na kelangan mo i-run bago mo paandar yung host computer. Puwede na mag NFS2 net kaya lang wala naman akong kalaro. Okay lang.
Tuloy tuloy ang pag linis at pag rearrange ng gamit dito sa Cape Fear para sa annual December party. My sister is busy putting up the Christmas decor. Ang susunod ko sigurong gagawin ay linis kuwarto. More or less settled na ang computer area.
No Replies
Tapos na ang CNN Explosion. ULET!
Pinwheel Update
November 30, December 17, and December 29 - OraCafe
December 7 - Hobbit House
Baka sumali kami sa isang malaking concert ng Amnesty International. December din yata ito. Hindi pa rin nakakausap ni Minco yung boss ng BMG. Gusto kami panoorin ng manager ng Wolfgang. Malapit na ang deadline. Baka pumunta si Minco sa Spain para mag aral ng painting. Kung umalis si Minco, kukuha ako ng lead guitar player (baka si Ariel na kabanda dati ni Noel at ni Rhany) at tutuloy ko ang Pinwheel.