Agham
Skins (11CY)
Tue, 24 Nov 1998 22:31:32 +0900

Puro Replies

H> Nagpadala ng email si Aldea, ang subject: Bernardino at ang mga Bigay Todo.

Tungkol saan naman yung email na iyan? Ano ba ang relasyon ni Bernardino at ng mga Bigay Todo?

H> Kung sa Tokyo ba kami pupunta, hiwalay yung titirahan namin sa tirahan ni Agham?

Hanggang tatlong tao ang magkakasya sa kuwarto ko. Pero kailangan ko pang bumili ng extra futon at blanket. Kailangan din siguro ng ceramic fan heater dahil lotal yung insulation ng kuwarto. Kailangan magkahiwalay ng tirahan (2+3). Titignan ko kung puwede sa isang room sa Komaba, makikitira sa bahay na malapit sa dorm ko (pero may tao doon habang nandito kayo), or sa bahay ni Julie (malayo).

H> Kelangan namin ng videotape ng The Breakfast Club.

Puwede kong subukan kopyahin yung nasa Tsutaya kaya lang baka may copy protection.

H> Paano kung bumili ka ng 1 square meter na lupa, tapos maglagay ka doon ng matibay na pillar na may platform sa ibabaw tapos doon ka magtayo ng bahay?

Puwede siguro.

P> Agham, hindi ko pa masend yung mga suit-and-tie necessities mo dahil wala na akong pera. Saan ko ba kukunin yung bayad sa AWE64 RAM ni Ryan? 278 PhP yung pagsend ng transcripts. Okay na ba yung mga iyon?

Hindi pa hinahatid nila Ryan yung 2600 pesos ko diyan? Aba...dugas yung mga iyon ah. Tawagan mo si Net at hingin mo sa kanya. Yung transcripts ay OK na for the meantime. Salamat po.

P> Tapos, anong documents ang kelangan ko for Japanese visa? Mas makakatulong ba kung alam nilang former Monbusho scholar ako at nabigyan na ng visa before? Paki-sabi nalang sa akin kung tuloy ang Tokyo trip at ano ang departure date ng maasikaso ko na ito.

Kailangan lang siguro ay proof na related ka sa akin at proof na nandito ako sa Japan on a legal visa at may pagkukuhan tayo ng pera para mabuhay dito. Definitely makakatulong ang fact na nanggaling ka na ng Japan.

P> Ginagamit pa ba yung libro ko on Filipino para sa mga Japanese students oh puwede nang iuwi?

Hindi ko na kailangan yung libro. Mag-aaral ng Filipino sa pamamagitan ng text book na Hapon.

P> O, gusto ba ng lahat, o waaaag naaaa <Josip>?

Mag-iimbento ako ng excuse. Ah...kasi salaryman na ako (medyo) kaya baka hindi ako makasali nang matino. Unless mabagal yung pace (once a week?) ay hindi ako sasali.

L> Aha! Ano to, 3-D MS Combat Simulation? Adventure? Strategy? All of the above? May nabasa ka na bang reviews?

Hindi ko alam kung anong klaseng laro. Puro kasi newly-drawn animation sequences na pinaghahalo at morphing yung One Year War at Char's Counterattack scenes. Next time dumaan ako sa Akihabara ay titignan ko ulit.

L> Panalo ang Jailhouse. Ano na ba ang situation kay Ueno? Umalis ka na ba ng University?

Actually malabo nga yung situation ko e. Basta ayaw ko nang makita si Ueno. Aaalis ako ng university pero hindi ko alam kung paano or kung puwede.

H> Nabasa niyo ba iyon? Kinopy-paste ko galing sa NJStar as ISO-2022-JP.

Question marks yung lumabas sa akin. Kailangan yata palitan mo muna yung language ng message bago mo i-paste e.

H> Ano ba ang sunod na hardware upgrade ng Chaos?

Video card upgrade to 3dfx Voodoo Banshee or Matrox G200 at sound card upgrade to Soundblaster Live! Value or PCI128 or Monstersound MX200.