Agham
Hard Target 3
Fri, 20 Nov 1998 23:49:04 +0900

Burahin niyo yung Hard Target 2. Na-strip yung HTML.

GUNDAM=20

Dumaan ako sa Kinokuniya kanina para bumili ng reviewer para sa GRE. Ang daming Gundam items for sale. Lahat yata ng klase ng books, comics, magazines at souvenir items na Gundam nandoon. May CDs din pala. May Gundam memorial concert sa Dec. 18 featuring a full orchestra. May artwork display ng Gundam illustrations sa Dec. 12 and 23. Lalabas yung Playstation game na Char's Counterattack sa Dec. 12.

PERA=20

Naka-survive din ako na ubos ang pera. Dumating na yung November stipend ko kanina kaya buhay na ulit ako. Pero marami pala akong babayaran na bills, utang, at US application fees. Pero may dagdag suweldo naman sa pagka-salary man ko kaya OK lang siguro.

JAILHOUSE=20

Plano ko ay Dec 1 pa mag-start pero nag-umpisa na ako kanina ng trabaho ko sa isang small software development company. Magiging taga-test ako ng software at taga-troubleshoot ng client problems. Siguro ire-regret ko later ang pagiging salary man ko pero better alternative kay Ueno for now.

van Damn

BACKWARD=19

Pinalabas last Wednesday yung the First Duty. Nakita ko ulit si Wesley Crusher! alt.wesley.die.die.die Hindi ko na-record yung 7th episode ng Bubblegum Crisis.

P> May nakuha akong parcel notice pero hindi ko alama kung ano.

Sigurado akong hindi tapes iyan dahil hindi pa ako nagpapadala. Ngayon lang ako nagkapera ulit so bukas ako magpapadala ng tapes. 6 tapes in a motherboard box.

H> Saan ba pinakamagandang huminto bago sa Narita? Sa Kuala Lumpur, sa Hongkong, o sa Seoul?

Kunin niyo yung pinakamura na kahit hindi pinakamaganda dahil low budget tayo ngayon. Kung hindi ako makahiram ng bahay this December-January ay maghahanap ako ng apartment na puwedeng i-rent weekly. Puwede ko rin subukan yung bahay ni Julie dahil uuwi yata siya sa Canada for Christmas. Basta makakahanap ako ng tirahan. Sabihin niyo lang kung kailangan niyo ng documents.

P> Pero last week malabo. Wala ba talaga kayo o permanent Netsplitae na ako.

Nandoon kaming tatlo nila Vector at Hector. Ibig sabihin ikaw yung naliligaw. O baka kaming tatlo yung mali.

P> Na-train ko nang hindi maglayas kaya binubuksan na ang cage.

Ayos. Natanggap ko na pala yung mga transcripts at diplomas. Maraming salamat ulit.

PAST=18

A> Wala pang snow sa ngayon. Usually sa January nagkakaroon ng snow kung meron. Pero malamig ang winter this year so baka magkaroon.

Nagkaroon nga ng snow last January. Mukhang slightly masmalamig ngayon so baka late December ay magkaroon ng snow. May super heavy snow sa Tohoku last Tuesday.

D> Ayoko ng mga friendships na nakahinge lang sa singular, kahit mutual, na benefit. Walang silbi iyon.

O nagalit si Alagao. Tignan niyo o! Sulatan ko nga si Alagao tungkol sa possibility magamit yung sinasabi niyang chapel sa Makiling dati.

PU-PU-PU

NYBBLE=4 bits

V> Kinaltas na yung Hall of Tortured Souls sa Excel 97. Buo na yung Gundam EZ8.

Flight Simulator na yung kasama ng Excel 8.0. Kaya bloated ang Microsoft programs dahil kung anu-ano ang nilalagay ng programmers e. Nakita ko yung preview release ng 1/60 MG RX-78-2. Ang ganda! Nov 28 ibebenta.

L> Sino ang pinaka erratic ang CNN production? O predictable ba lahat?

Si Santo ay sumusunod for the most part sa isang Gaussian distribution. Ibig-sabihin ay regular siyang magsulat. Parang 2 random numbers na in-add. Normal na tao. Si Pagan ay medyo normal pero nag oscillate sa edges. Ako at si Lagoon ay medyo normal pero skewed sa isang side so parang 2 random numbers na divided by each other. Opposite sides yung skew direction namin. Malabo si Hec at Vec.

Anong CPU ang bibilihin mo?