& QUICK UPDATE
May ibang sira na naman ang MBE. Dapat ay last Saturday ako mag-go-grow ng sample pero hindi pa rin gumagana yung Si e-gun. Ang problema ngayon ay hindi lumalabas yung electron beam although OK naman ang high voltage.
Saturday: Pumunta ako sa Osaka via Shinkansen. Na-late by 8 mins. ang dating ng train ni Pagan galing Kansai Airport kaya napilitan kaming mag-taxi mula Awaji hanggang dorm. Pahinga nang kaunti tapos bili ng pagkain sa Lawson. Usap-usap at noon ng anime recordings tapos short sleep.
Sunday: Punta sa Nipponbashi para magtingin ng computer at Gundam stuff. Bili ng blank video tapes. Naghanap ng sinehan na nagpapalabas ng Gundam movies pero wala. Naghanap ng Evangelion 0:13 tape pero out lahat kaya hindi nakahiram. Balik sa dorm para mag-upgrade ng Disorder. Kulang pala ng isa pang 16 MB SIMM kaya naghanap sa nearby stores pero wala. Balik sa Nipponbashi. Bumili na rin ng bagong CDROM drive at mouse kasama ng RAM. Kain ng dinner sa First Kitchen. Balik sa dorm for computer upgrade. Hindi nagfi-fit ang power supply connector kaya pinilit. Baligtad ang pagkalagay ng power connector kaya nasunog ang RAM at ang chipset ng motherboard. Useless. Binalik si Disorder sa original state minus 16 MB RAM.
Monday: May activity si Pagan sa may Nanba kaya nauna siyang umalis sa akin. Tumuloy ako sa Nipponbashi para bumili ng RAM at maghanap ng bagong motherboard. Nag-meet kami ni Pagan sa Sofmap at bumili na rin ng 16MB RAM x2 at bagong Rescue motherboard. Ubos pera. Nakabili rin kami ng power supply connector. Tapos daan sa Umeda at nakahanap ng 0:13 tape sa recently returned pile ng tapes. Balik sa dorm para mag-record. Tapos ay upgrade. Mukhang ayos naman hardware-wise ang upgrade. Functional lahat ng hardware pero very unstable ang system. May "Bad Memory" error kapag tinetest ng HIMEM.SYS ang memory. Punta sandali sa Shin-Osaka station para bumili ng Shinkansen ticket pabalik ng Tokyo. Kaunti pang trabaho kay Disorder at relatively functional na ang computer. Unstable pa rin pero usable na kahit papaano. Aayusin ko ito pagbalik ko sa September 13.
Tuesday: Balik sa Tokyo by 9:10 am. Dumeretso ako sa lab at nag-anneal ng samples ko dahil mukhang hindi na aabot ang next sample growth.
Next day ay x-ray diffraction at etching. Dapat ay magla-library ako sa Hongo kanina dahil sarado ang library sa RCAST pero sarado rin pala ang library sa Hongo. Useless. Napabili ako ng libro sa troubleshooting ng PCs (Hapon).
& WHITE MONEY
Baryon, hindi pala tayo nakapag-accounting. Ilista mo nga lahat ng nagastos mo mula sa mga receipts na hawak mo. Yung mga items na walang receipt ay ilista mo kung ano yung naaalala mo. Hindi pa pala ako nakakabayad din sa iyo ng portion ko ng Playstation repair. Magkano nga ba iyon? 300 pesos? Ito yung mga naaalala kong ginastos ko sa Osaka:
Saturday night
220 Hankyu Fare
Sunday 1
450 Fare to Nipponbashi
Sunday 2
450 Fare to Nipponbashi
Monday
450 Fare to Nipponbashi
& SKYWATCH
Magandang i-observe ang Jupiter at Saturn kapag late evenings. Puwede na ring makita ang Winter triangle kapag madaling araw.
& USELINK
Sorry nga pala kay Vector at kay Hector dahil hindi kami nakapag-send ng birthday greetings sa inyo last Sunday. Nagwarat kasi ang pagpalit ng motherboard ni Disorder e. Style-Alagao (Late) Birthday Greeting na lang.
Magkakahiwa-hiwalay na talaga tayo. Si Lagoon ay magiging busy sa banda, si Pagan ay babalik na sa UP. Si Vec at Hec ay mag-aaral sa Indonesia. Ako, ayaw ko nang mag-aral sa Japan. Balik na lang kaya ako sa UP. Gago si Ueno.
Ipapadala ko ang Installer CD na may Office 97 sa Indonesia na dahil
hindi aabot kapag sa Pilipinas ko pinadala. Pagan, ipadala mo rin daw yung video tape na may episode 25 ng Evangelion at episode 10 ng 8th MS Team sa Indonesia na rin.
Tapos na?
3300 Taxi
886 Food Items (Lawson)
510 Bento
120 Drink
570 Blank Video Tapes
230 Fare to Umeda
120 Drink
220 Fare to MinamiSenri (paid by Pagan)
8190 CDROM drive
??? First Kitchen (paid by Pagan)
450 Fare to MinamiSenri (paid by Pagan)
1500 Tool Set [approx. amount]
4095 RAM
787 Power Supply Connector
120 Drink
120 Drink
??? First Kitchen (paid by Pagan)
10000 Rescue Motherboard (10790 paid by Pagan)
580 2-way fare from Shin-Osaka
230 Fare to Umeda
220 Fare to MinamiSenri
636 Food Stuff (7-11)
11510 Shinkansen ticket
Aug. 28 05:02(+8) Venus and Mercury Approach (02°15') Aug. 30 12:51(+8) Third Quarter Aug. 31 16:56(+8) Greatest Western Elongation of Mercury


