Agham
Bastos ka, Walang galang
Tue, 11 Aug 1998 21:04:04 +0900

May MP3 file na naka-attach dito. Ito yung theme na pinepley kapag nagbabasaan ng champagne sa podium pagkatapos ng F1 race.

& MONEY MATTERS

Hindi pala natin naasikaso ang bayaran ng mga utang sa pagkain. May utang ako kay Pagan para sa Wendy's delivery (1 Bacon Mushroom Melt, 1 Coke). May utang ako kay Hector para sa McDonald's (1 Cheeseburger Meal, 1 Regular Fries). May utang si Hector na 16 pesos para sa sundae, si Vector at Lagoon ay 21.50 para sa Apple Pie. Hindi pa nagbabayad si Pagan ng 8879 yen niya. May utang din ako dati kay Hector na approximately 100 pesos. Dapat ding bayaran ko si Hector ng ginamit niya sa pag-taxi mula sa airport (320 pesos). Kung eeksaktuhin ay kulang pa ng 100 pesos at 169 pesos si Vec at Hec dahil 2100 pesos lang ang 50 dollars. Paano natin aayusin ito?

& POSTFACE

Nagkaroon ng Santiago family dinner last Sunday at sobrang out of touch na rin ako. Parang hindi na natin kakilala ang mga kamag-anak natin. At least naka-libreng kain. Laging pinupuna ang height ko. Matino ang sendoff ngayon -- spaghetti at 1:30 am. Hindi sumipot si Santo last Friday. No calls or anything before or after. Gago. Sorry kay Lagoon at hindi ako nakapanood ng gig sa Tia Maria. Dapat sumunod na lang ako mag-isa. Inumpisahan na ang Rod of Seven Parts adventure. Gusto niyo bang ituloy online o hintayin na lang ang next na pag-uwi sa Pilipinas? Nakausap na rin si Net at Ryan tungkol sa computer business at possible na maumpisahan na ito by May next year. Hindi kami nakapag-date ni Junelle dahil wala na halos siyang free time at kaunti rin ang pera namin ngayon. Hec and Vec, kung kaya niyo ay subukan niyong tapusin ang requirements ng UPIS para maka-enroll kayo for second semester sa UP.

& LEFTOVERS

Hindi ko nadala ang P133 CPU. Pagan, huwag mong kalimutang dalahin ang CPU at ang cooling fan. Dalahin mo rin yung PLCC chip remover. Hindi ko pa pala nare-reinstall ang Office 97 sa Random. Nagwarat na naman kasi e. Nagdidisappear ang files sa C:\MSOffice folder. Isesend ko diyan ang installer kung wala kayong mapagkukuhanan ng kopya diyan. Sabihin niyo lang kung kailangan. Huwag niyo palang kalimutan na birthday ni Nanay ngayon. Mag-email kayo ng kahit simple greeting lang. Vec and Hec, yung passports niyo ay itago niyo sa isang safe place. Huwag niyon iwan nang pakalat-kalat. Puwede niyo na ulit gamitin temporarily ang kuwarto ko kung wala si Junelle. Hindi natin naasikaso ang pag-ayos ng study room. Next year na lang ulit natin pag-usapan. Hindi ko rin pala nabura ang 600+ messages ng Gundam mailing list sa Outlook Express folder ko. Mga 1.4 MB siguro iyon. Hector, sorry at hindi na kita nasamahan sa pagkuha ng student permit. At least alam mo na kung saan exactly kinukuha.

# Hindi OK ang buhay

Balik sa buhay ng Japanese graduate student na naman ako. Pinagsabihan ako ni Ueno dahil bakasyon daw ako nang bakasyon pero wala namang nangyayari sa research ko. Mula ngayon ay papahirapan ako at hindi na ako makakauwi nang maaga. Kailangan makakuha ako ng magandang results sa ginagawa kong research ngayon para bigyan naman ako ng kaunting paluwang. Baka hindi na ako payagang umuwi sa December at baka pati sa March. In that case, tatakas na lang ako. Warat kung warat. Maayos naman ang mga equipment ng lab pagkatapos ng restoration ng power after a 10 day stoppage. Tuloy ang trabaho starting tomorrow. Dapat talaga magkaroon ng major earthquake dito sa Tokyo.

& SKYWATCH

Ongoing pa rin ang δ-Aquarid North meteor shower na nagpeak kagabi. Ongoing din ang Perseid meteor shower na magpe-peak sa August 13. Best tignan ang Perseids after midnight (2 am onwards). May Aldebaran occultation din sa August 16 pero sa tanghali (around 11:27 am (+8)).

Mercury:
    Inferior conjunction on Aug. 13 at 10:24 (GMT+8).
    Perihelion on Aug. 14 at 11:55 (GMT+8)

Moon:
    Perigee on Aug. 11 at around 20hr (GMT+8)
    Third Quarter on Aug. 15 at 03:48 (GMT+8)

Stationary Planets:
    Saturn: from August 17 (00:25)
    Pluto: from August 19 (02:48)

& KINKY STUFF

Baryon, anong oras ka makakarating sa dorm mo sa August 22? Kung OK sa iyo ay i-plano natin na darating ako sa Osaka a few hours after ng arrival mo para maayos na natin agad ang motherboard installation. Magpepresent din ako ng research ko sa Hiroshima sa September 15 nang umaga. Plano ko ay mag-stay sa dorm mo a few days before tapos punta ng Hiroshima via Shinkansen sa morning ng 15th tapos babalik ako sa Osaka sa hapon at mag-stay ulit for 2-3 more days. OK ba ito sa iyo? Matutuloy nga pala ba ang pagpunta ni Tricia sa Japan?

Countdown: 138