Tuesday: Tinulungan ko si Morita na mag-grow ng growth rate calibration samples para sa Ge70 K-cell. During free times ay nag-library ako at naglakad hanggang Shimokitazawa para bumili ng Nike rubber shoes for 4000 yen. Sa gabi ay packing.
Wednesday: Kaunting linis ng kuwarto at final packing. Umalis ako around 10 am. Nag-taxi hanggang Meguro station tapos pumunta sa Tokyo station para mag-iwan ng gamit. Ang problema ay wala nang available lockers kaya dinala ko na lang hanggang sa Minato Ward Office para kumuha ng certification. After this ay bumalik ako sa Tokyo station at may nakuha akong locker so iniwan ko yung maleta at tumuloy ako sa Ginza para mag-lunch at bumili ng Gouf Custom. After this ay punta na sa airport at hintay ng flight. 35 minutes delayed. Pagdating sa bahay ay kinabit na ang bagong CPU at RAM ni Chaos.
Thursday: Tambay tapos punta sa DFA para kumuha ng passport application form. Hindi ako binigyan. Punta sa LTO para mag-apply ng student permit ni Hec pero walang letter of consent from parents kaya next time na lang. Tumuloy sa City Hall para kumuha ng marriage license application forms. Nakakuha ako. Kumuha na rin ako ng residence certificate ko. Ang init ng paglalakbay dahil sira ang aircon ng Lancer. Sa gabi ay dumating si Junelle at nag-ayos kami ng gamit ko. Tinawagan ko si Net.
Friday: Hinatid ko si Junelle sa may dorm niya very early in the morning (6 am). Sa hapon ay tulog at tambay lang sa bahay. Magpapaayos sana kami ni Hec at Vec ng aircon sa Petron sa Philcoa pero wala pa lang aircon repair doon. Kumain na lang kami sa McDonalds sa Philcoa at tinignan ang kompetisyon ng College of Chaos Computer Center sa Philcoa. Sa gabi ay nanood kami nila Hec at Vec ng Pinwheel performance sa Inka. Nag-dinner kami sa "Kain Sarap Pinoy".
Saturday: Sinundo namin ni Hec si Baryon sa airport. Sobrang traffic na tapos hindi pa napapaayos yung aircon kaya sobrang init. Kulang yung drinks na binili namin ni Hec. 40 minutes late kaming dumating ni Hec sa airport. Pag-uwi ay unload ng gamit ni Baryon. Na-plug ang Playstation sa 220 V socket at nasunog ang voltage regulator at power supply capacitor. Dumating si Junelle sa gabi. Cancelled daw ang scheduled na pagpunta nila Net at Ryan dahil birthday ng tatay ni Ryan so hindi siya available.
Sunday: Tambay sa umaga. Punta kami ni Junelle at Baryon sa Greenhills para ipaayos ang Playstation. Pinagawa naming autovoltage ang power supply. 300 pesos each ang kailangan ibayad namin ni Hec at Vec kay Baryon. After ng Greenhills ay uwi agad at kumain kami ni Junelle ng santol. Sa gabi ay nag-grocery kami ni Junelle sa Parco ng ilang snack items at nag-withdraw. Later ay nood ng Austrian Grand Prix. Medyo nag-aalangan pa si Junelle na ituloy ang kasal kaya most likely ay hindi matutuloy this year ang kasal namin.
Monday: Hinatid ko si Junelle sa may EDSA-Quezon Ave. area at nag-taxi na siya mula doon noong 6 am. Pagbalik ko ay natulog ako sandali sa sala tapos tumuloy ako sa DFA para i-submit ang application form for passport ni Junelle. Nakahanap ako ng old form sa kuwarto ko at ito na ang ginamit namin. After ng mainit na travel sa Lancer ay dumating ako sa DFA. Bawal daw mag-submit ng application form via proxy. Kailangan yung applicant ay present. Lotal. Umuwi ako at natulog sandali tapos lunch tapos nood ng Voltes 5 tapos pagupit ng buhok tapos nood ng Good Will Hunting on video CD. Hindi ko alam kung matutuloy sila Net ngayong gabi or postponed na naman for Tuesday night. Ihahatid daw ni Auntie Amor ang airline tickets ng pagpunta naming tatlo ni Vec at Hec sa Indonesia and Singapore mamayang 1 am. Magkahiwalay ang hotel naming tatlo sa hotel ni Nanay sa Singapore.
& Leftovers
* Pag-uusapan na namin nila Net at Ryan ang computer business na pinaplano natin one year ago pagpunta nila dito mamaya or bukas nang gabi
* Kung OK sa schedule ng lahat ay laruin natin ang Baba Yaga module on August 4 or 5 in the afternoon. Puwede ring Randall Morn kung may extra time tayo.
* Ayusin na kaya natin ang study room para maging suitable na para maging tulugan ni Vector. Kailangan tulong-tulong tayong gawin ito.
* Cancelled ang kasal namin ni Junelle this year so mukhang next year na (March or August) ang date ng wedding namin. Noong sinabi ko kay Net na ikakasal kami ni Junelle ay ang tanong niya sa akin kaagad ay kung nabuntis ba si Junelle. Utak-talik. Mali ang iniisip niya.
* Bayaran niyo ako as soon as possible dahil wala akong dalang pera dito. Mag-accounting na lang ulit tayo kapag may pera na tayong lahat ulit.
* For Vec and Hec, maghanda na kayo ng gamit niyo para sa pagpunta sa Indonesia-Singapore. 4 nights tayo doon. Humiram na lang ulit kayo ng suitcases mula sa Cancellor.
* Nabigay na ang portable MD recorder sa Cancellor. Sana magkaroon ito ng silbi sa kanya at hindi maging novelty item lamang.