Baryon
Unified Matrix
Sun, 12 Jul 1998 15:53:32 +0900
Backlog=6
 
BRIEF UPDATE
 
Tuesday (06/07): Start ng last week of classes. Late akong gumising dahil walang pasok yung 10:50 conversation class ko. Pagdating ko, wala ring class yung 1:10 ko kaya sayang lahat. Exam namin sa Translation class na sobrang hirap. Sa gabi, sumama ako sa classmates ko kumain sa isang steak house (Volks). Masarap ang pagkain at beer pero lotal ang service. Sulat sa gabi.
 
Wednesday (06/08): Late ulet ako gumising tapos hindi ko pinasukan ang 9:10 computer class ko. Rest of the day was normal. Lotal. Natapos ko na rin ang short story ko at current work ay revision sa "Constellations" at isang story tungkol sa bulag.
 
Thursday (06/09): Normal class yung 10:50 conversation ko. After lunch, tumambay ako kasama si Joi Barrios habang nanonood ng practice ng OGF for the next wednesday. Nandoon din yung mga Swedish students na mayroong gagawing intermission number. Bilib sila sa singkil at maglalatik. Sa Pronounciation class ko pagkatapos, tinamad magturo yung teacher namin kaya nagdala siya ng New Zealand black beer na hikwa. Inom sa klase. Tapos uwi.
 
Friday (06/10): Wala akong pinasukang klase dahil excused. Mayroong kaming pinuntahan na junior highschool kung saan nag-talk kami tungkol sa sariling bansa. Nag-focus ako sa educational system. Pagkatapos ay lunch with the teachers sa isang French restawran. Pagbalik sa school ay tumambay muna ako ng sandali, tapos pumuntang Umeda parra humiram ng tapes. Pinanood ko yung Unification (hindi masyado maganda) at yung Silent Mobius movie, tapos sinauli yung Voltes V tapes.
 
Saturday (06/11): Natsumatsuri sa Gaidai. Ang daming tao, parang Dibisorya. Tumulong ako ng sandali sa mga Filipino majors tapos bumaba for drinks kasama ang ibang classmates sa isang room na nagbebenta ng cocktails. Masarap ang vodka-orange. Mga 8pm na ako umuwi. Ininvite ako pumuntang Kyoto for today pero sabi ko tinatamad ako.
 
 
RAMBLINGS
 
H> Ha? Eh diba babalik ka pa ulit sa Japan para mag Masterals?
 
Hindi pa final ito, tapos kung mangyari man ay definitely at least two years after pa dahil kelangan ko munang tapusin ang undergrad ko, tapos 16 years ang minimum educational requirement para pumasok ng masterals sa Japan. So malamang after graduating, kung matatanggap, magtuturo muna ako sa UP while taking one year of masters. Tapos lipat school na lang.
 
H> REJECTS
 
Lotal eh. Yung "Memories of our Loved Ones," okay-okay na daw kaso medyo predictable yung plot. Nagtanggal ako ng ibang foreshadowing at baka puwede pang ma-publish ito dahil maganda daw yung narrative style. Yung "Constellations," masyado daw maraming expository sequence sa setting. Dapat daw i-tie in ko sa plot para mas smooth yung movement. Pero for now, cancelled ang lahat ng submissions until makauwi ako dahil low on cash na, tapos gusto kong pag-isipisipan muna ang sinusulat ko.
 
A> At sa contracts with record companies din yata nakakakuha ng masmalaking pera diba?
 
Ako rin kontrata ang habol ko ngayon. Kahit gaano kadaming hikwang responses to my work ang makuha ko sa UP, wala akong napapala sa ginagawa ko. Tapos kulang talaga sa akin ang mag-publish within the Philippine local writer's clubs dahil hindi naman sila ang audience ko talaga. They don't really know what problems to look for in my work.
 
A> Ang longest ko ay mga 80+ hours siguro pero may mga 15-20 min.
 
Bakit ang napapansin ko kapag walang tulugan ay mayroong certain hours na sobrang antok ang feeling mo. Parang from 5 am to 8 am, ang feeling kelangan mo na talagang matulog. Pero kapag nakalampas dito ay okay ka na hanggang next evening. Biological clock kalokhan ba ito?
 
 
PURO KAYO LARO
 
L> Narinig ba yung Alagao?
 
Naglarong Josip yata si Alagao dito eh. Umupo na lang sa isang tabi tapos nagbasa ng magazine. Ang dami kasing Time na pakalat-kalat lang sa CN eh. Palagay ko siya yung nagkokontrol nung Cobra aircraft kung saan magagalit si Zacarias kapag linabas mo. Kasalanan ni Zacarias ang lahat.
 
L> GT Sex ba? Sali natin si Lem.
 
Okay din ako dito. Kung may ibang rookie pilots, willing din daw sumali si Tricia. Kausapin mo na si Lem at i-chaos-chaos mo na bago pa maging Jailhouser ang utak niyan.
 
Kung itutuloy ito, eto ang mga proposals ko. Una, balik 1/144 tayo para maraming choices. Kahit yung mga mobile suit ni Alagao, sama niyo na yan. Ang technology range (dahil wala pang working rules ang tech differences matching) ay Zeta to CCA. Kasama din dito ang 0083 Gundams (bawal yung mga ibang MS pero kasali ang Gerbera), at ang Wing and GX MS.
 
Post niyo naman yung SPv list nung covered ng range na ito o.
 
 
O dito na muna ito. Tatrabahuhin ko ulet yung thesis ko para sa Gaidai. Medyo nagpoprogress na ito dahil clear na sa utak ko yung gusto kong sabihin. Tapos nakahanap ako ng isang very useful web site on Japanese SF writers na bilingual.
 
Kung maswerte, susubukan ko ring mag-progress with either of my ongoing creative work. Tapos nasa separate message kay Lagoon (with some other people who I'm asking to take a look at it yung kopya ng "Sunset Over Changi Airport". Kung may oras ka, Lagoon, paki-tingnan na lang. Salamat po.
 
 
Pagan
--------------------------------------------
"Pathological-techno-fetishist-with-social-deficit"
E-mail: pagan@college-of-chaos.net
Web Page: www.college-of-chaos.net/~pagan